Palaban si ate! Sunshine Cruz, may emosyonal na mensahe ukol sa kaso laban sa kaniya ni Kathy Dupaya

Palaban si ate! Sunshine Cruz, may emosyonal na mensahe ukol sa kaso laban sa kaniya ni Kathy Dupaya

- Hindi napigilan ni Sunshine na maglabas ng sama ng loob sa social media hinggil sa mga paratang na binibintang ng businesswoman na si Kathy Dupaya

- Hinihintay na lang aktres ang subpoenang ihahain sa kaniya matapos magfile ng kontra-demanda

- Ni minsan ay hindi raw nagpakasasa sa luho si Sunshine gamit ang pera ni Kathy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

From BFF status, ngayon ay enemies na ang supposedly ‘business partners’ na sina Sunshine Cruz at Brunei-based businesswoman Kathy Dupaya. Ayon sa report mula sa Push, ibinahagi ni Sunshine ang kasalukuyang hakbang niya sa kontra-demandang libel sa Jolo, Sulu ng businesswoman:

“Sa ngayon, di ba meron daw siyang [libel] case, hinihintay lang namin na matanggap yung subpoena, then from there let’s cross the bridge when we get there.

“Sabi nga ng lawyer ko, aralin muna namin. Yon talaga ang pinakatamang gawin. Kasi up to now she’s not stopping, eh. Nakauwi na ako’t lahat galing sa Amerika pero hindi pa rin siya tumitigil talaga.”

Former BFFs

Former BFFs: Sunshine Curz and Kathy Dupaya, with Macky Mathay (Photo lifted from Inquirer)

Sa inilabas na footage ng media briefing mula sa report ng KAMI, inihayag ni Kathy na sobra raw ang pagtrato ng mga mga aktres na sina Ynez Veneracion at Sunshine Cruz sa anak ni Kathy na may espesyal na kundisyon. Tinetext ‘di umano ang kanyang anak ng mga ito ng mga mapanirang pahayag laban sa ina bilang isang ‘scammer’ at ‘estafadora’.

Dagdag pa niya, “In my heart, alam ko hindi ako estafa[dora], hindi po ako scammer kasi lahat po ito kinita nila.” Ibinahagi niya ang iba’t ibang dokumento na naglalaman mga kinita ni Sunshine, kabilang na ng co-actress na si Ynez Veneracion.

“'Yan si Ynez, expected ko na sirain ako pero si Sunshine dahil sa lahat lahat, siya ang nakinabang sa lahat, siya ang nakinabang, hindi lang sa kanya, sa support ko sa mga anak niya.” Sagot niya sa isa sa kanyang mga interview.

Mariing dumepensa ang Kapuso actress sa kanyang Instagram post patungkol sa mga luhong ginastusan daw ni Kathy:

"Araw araw tayo nagkikita? You are based in Brunei and I haven't seen you since November of 2017. The last time I saw you was when you were problematic with a certain investment with someone. Red Crabs in resorts world with Ate Nadia and Ynez. Kausap kita nung walang wala ako? Paris yes you took me there, I was of course grateful and in return I gave you an authentic Givenchy antigona bag coz I always believe na ang friendship ay give and take."

Giit pa ni Sunshine, simula no’ng magpunta sila ng Paris, isang araw pa lang ang nakakalipas ay iniwan na siyang mag-isa ng kanyang ‘BFF’ at kaya’y mas pinili na lang nitong magstay sa kanyang sister na naka-base sa Paris kasama ang pamilya nito. Pati ang pagsasama nila sa Singapore ay hindi pinalampas ni Kathy, habang inisa-isa ang kanyang mga naging gastos kay Sunshine.

Naiinis ding sinagot ng aktres sa kanyang Facebook post ang bintang sa ‘di umano’y “hundreds of thousands worth of diamonds” na galing kay Kathy. Isinama rin niya sa kanyang IG post ang sagot sa alegasyon tungkol sa mga mamahaling alahas.

"To cut the story short, wag mong palabasing ginamit or pinerahan kita dahil hindi ka maiiyak o masasaktan ng ganito if I was not a good friend to you. Kaya lang sana hindi mo ako siniraan at nag focus ka sa issue. Walang singsing na diamond, hundreds of thousands worth na alahas, walang allowance. Just an honorarium being given to us everytime we work/perform for your events. Pumapayag kami dahil kaibigan namin kayo. Dun tayo sa totoo. be fair. We don't deserve this from you."

Narito ang buong pahayag ng aktres sa kanyang Instagram post:

Matapos magfile ng estafa ang Aficionado perfume owner na si Joel Cruz at aktres na si Ynez Veneracion, sumunod na nagfile si Sunshine Cruz patungkol sa investment scam ‘di umano ng Brunei-based businesswoman na si Kathy Dupaya. Isa ang GMA actress sa mga naglabas ng hinaing sa social media laban sa nasabing businesswoman.

Isa si Sunshine Cruz sa mga kasalukuyang hinahangaang aktres at modelo sa showbiz, at tinaguriang ‘hot momma’ dahil sa mala-dalaga nitong hubog ng katawan at sa pagiging kabilang sa “Century Tuna Superbods Ageless”sa kabila nang pagkakaroon nito ng tatlong anak na babae sa dating partner na si Cesar Montano.

Did you miss our Tricky Questions? Welcome to another episode of our show! Today our “victims” are people of Kavala. It is they who will answer the new set of really tricky questions our team has prepared. Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? - on KAMI HumanMeter channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
PNP, binabawi umano ang kanilang suporta mula sa FPJ's Ang Probinsyano

PNP, binabawi umano ang kanilang suporta mula sa FPJ's Ang Probinsyano

PNP, binabawi umano ang kanilang suporta mula sa FPJ's Ang Probinsyano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel