Sa kanya talaga ang korona! Winwyn Marquez, pinakamagandang babae para kay Mark Herras

Sa kanya talaga ang korona! Winwyn Marquez, pinakamagandang babae para kay Mark Herras

- Ikinagulat ni Winwyn Marquez nang hingan siya ng reaksiyon sa naging reaksiyon ng ilang fans hinggil sa post ni Mark Herras

- Ayon sa Nobyo niya, si Winwyn ang pinakamagandang babae para sa kanya

- Ang dating sa mga fans ay pinapalabas na mas maganda si Winwyn sa mga ex-girlfriend niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang ulat ng PEP, ikinagulat umano ni Winwyn Marquez nang hiningan namin ng reaksiyon sa emote ng ilang fans sa isang post ni Mark Herras na nagsasabing siya ang pinakamagandang babae para sa kanya.

Ilan sa mga fans ang umalma at nagagalit sila kay Mark dahil parang pinapalabas daw na mas maganda pa si Winwyn sa mga ex-girlfriend niya.

Marami ang mga binanggit ng aktor na naging ex GF niya ngunit walang pag-amin mula sa ilan sa kanila. Matatandaang dating na-link si Mark kay Marian Rivera, naging open din naman ang relasyon ng Kapuso actor kay Jennylyn Mercado, at ang huli si Ynna Asistio.

Kabilang din sina Rhian Ramos, Ryza Cenon, Lian Paz, Christine Reyes at Katrina Halili.

Ayon naman kay Winwyn, hindi nakarating sa kanya ang ganung isyu. Kahit nga raw kay Mark ay wala namang nam-bash sa kanya ng ganun.

Dagdag pa niya, iginagalang niya ang kanilang opinyon.

“Opinyon naman nila yun, e. Masaya naman kami ni Mark, e.

"And if they think ganun, I don’t think na minamaliit yung mga ex niya or something," sagot ni Winwyn.

Paliwanag pa niya, pinapahalagahan lamang nila ang isa't isa.

“Siguro kasi eto yung present, and we're just cherishing every moment that we have each other.

"E, kung yung naisip ni Mark yung present, and I think they should respect that.

“Tapos naman na yung iba, hindi naman siguro i-compare na.”

Philippine Yoga Tutorial: Add Zen To Your Workout | on BeKami

Yoga for beginners: your intro to yoga is already on BeKami! Were you aware that Crystalle is not only a well-known fitness trainer in the Philippines but also a big fan of yoga? So, if you have already wanted to try yoga, this tutorial is a perfect opportunity to make the first move towards this activity right from your home!

Watching it, you can learn some basic poses and tips.

Source: Kami.com.ph

Related news
Inalala: 5 Youth Leaders na nagbuwis ng kanilang buhay sa panahon ng Martial Law

Inalala: 5 Youth Leaders na nagbuwis ng kanilang buhay sa panahon ng Martial Law

Inalala: 5 Youth Leaders na nagbuwis ng kanilang buhay sa panahon ng Martial Law
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel