9 Filipino celebrities o showbiz personalities na cancer survivors

9 Filipino celebrities o showbiz personalities na cancer survivors

- Nagpalabas ang 'GMA News Online' ng listahan sa siyam na celebrities na mga Pinoy na cancer free na

- Dahil sa magandang balita, gusto ng KAMI na magbigay inspirasyon o encouragement sa pamamagitan ng kanilang magagandang istorya

- Ating silipin kung sinu-sino kaya ang mga artistang ito na dumaan sa butas ng karayom at lumabas na ligtas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dahil na din sa makabagong advances sa larangan ng medicine, ang survival rate ng cancer patients ay tumaas.

At ang siyam na showbiz personalities na ito ay siyang magpapatunay dito.

Kilalanin kung sinu-sino ang mga artistang ito na nadiagnosed ng cancer at naging cancer-free.

9. Kara Magsanoc-Alikpala

Si Kara Magsanoc-Alikpala ay isang broadcast journalist na cancer survivor na na-inspired na magtatag ng 'I Can Serve Foundation,' isang grupo na ang adbokasiya ay magpromote ng early cancer detection.

Ito ay pagkatapos na din sa kanyang sariling experience sa cancer.

8. Bibeth Orteza

Siya ang ina ng Kapuso aktor Rafa Siguion-Reyna.

Isang aktres at writer si Bibeth Orteza na, ayon sa balita ng GMA-7, ay tinalo ang stage 3 breastcancer.

At ngayon, ay namumuhay na ng puno ng saya, liwanag, at pagmamahal.

7. Tetay

Ang komedyanteng Kapuso artist ay naging bukas sa kanyang pagsubok sa cancer sa pancreas sa isang panayam kay Rhea Santos sa 'Tunay na Buhay' sa GMA-7.

6. Melissa de Leon

Sa tulong na din ng kaniyang pamilya, kaibigan, at pagtitiwala, ang aktres na si Melissa de Leon ay nakuhang muli ang kanyang lakas na tumayo laban sa stage 2b breastcancer.

5. Jackie Forster's daughter, Caleigh Simone

Ang kaisa-isang anak ni Jackie Forster na si Caleigh Simone ay dating nadiagnoised ng leukemia sa murang edad na 3 years old noong 2014.

Naging magclose ang mag-ina lalo pagkatapos ng kanilang pakikipaglaban sa cancer.

4. Glenda Garcia

Ayon sa balita, noong interview ng aktres na si Glenda Garcia sa natapos ng showng GMA-7 ang Startalk ay pinakita umano niya ang kanyang mga chemotherapy battle scars na may malaking ngiti sa kanyang mga labi.

Ngayon daw ay kalahating dekada na siya na cancer-free at tuloy-tuloy ang pagbabahagi ng magandang ngiti.

3. Maritoni Fernandez

Kamakailan lang daw ay nagdiwang ang aktres na si Maritoni Fernandez ng kanyang disisyete na taon bilang cancer-free.

2. Wil Dasovich

Ang Fil-AM YouTuber na si Wil Dasovich ay nagvlog pa sa kanyang pakikipaglaban sa sakit na colon cancer at binahagi ang kanyang paglalakbay sa kanyang followers.

1. Gary V

Sa balita na aming binahagi kani-kanilang na bukod pa pala sa kanyang heart surgery ay nagkaron din ng cancer sa kidney si Mr. Pure Energy.

At dineklarang cancer-free siya pagkatapos makuha ang mga cancer cells sa kanya.

Ito ay isiniwalat niya sa Rated K.

At sa ibang bahagi, tinanong ng grupo ang mga Pinoy ng mga iilang mga tricky questions at nakaka laughtrip ang nangyari dahil tila napa trick o treat sila sa mga tanong.

Pero higit sa lahat marami din ang natuto.

Tingnan ang video sa baba sa nasabing tanungan.

Watch more HumanMeter YouTube videos here

Source: Kami.com.ph

Related news
Humarurot ang San Miguel Beermen sa puntos na 104-99 laban sa Alaska Aces

Humarurot ang San Miguel Beermen sa puntos na 104-99 laban sa Alaska Aces

Humarurot ang San Miguel Beermen sa puntos na 104-99 laban sa Alaska Aces
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel