Thailand cave rescue: Mga kaganapan sa pagsagip sa mga binatilyong football team na naanod papasok sa mapanganib na kuweba

Thailand cave rescue: Mga kaganapan sa pagsagip sa mga binatilyong football team na naanod papasok sa mapanganib na kuweba

- Binulabog ang buong mundo sa pagkaka-trap ng isang football team na binubuo ng mga batang edad 11 taong gulang hanggang 17 taong gulang at kanilang assistant coach sa isang malalim na kuweba sa Thailand noong Hunyo 23

- Apat na batang lalaki na ang nailabas ng mga rescuers mula sa tinuturing na high-risk operation ng rescue teamsat aabutin pa raw ng mga tinatayang 3 hanggang 4 na araw pa para tuluyang mailabas ang mga bata sa kuweba

- Sinasabing minamadali na ang pagsagip sa mga natitira pang mga batang lalaki sa takot na maaring tumaas na naman ang lebel ng tubig pag lumakas na naman ang ulan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nasa isang 'outing' ang football team na binubuo ng mga batang lalaki edad 11 na taong gulang hanggang 17 taong gulang at ang assistant coach nang na-trap sila sa isang kuweba sa Thailand noong Hunyo 23.

Nalaman ng KAMI na malakas na ulan dahilan ng matinding pagtaas ng tubig na siyang umanod sa mga bata sa kuweba.

Isang grupo ng mga British rescuers ang unang nakakita sa mga bata noong isang linggo. Tinatayang nasa 4 na kilometro ang layo ng kinaroroonan ng football team mula sa bunganga ng kuweba.

Mula noon, bumuo na ng 90 na mga diving experts upang maayos na masagip ang mga bata. 40 na rescuers ay mula mismo sa Thailand at 50 mula sa iba't ibang bansa kabilang na dito ang isang Pinoy na si ChristofferJohn Aquino o mas kilalang "Cedjie" na bihasa na sa rock climbing.

Sila ang mga nagsisilbing gabay ng 12 bata na bumubuo ng football team sa madilim at lubhang delikadong mga daanan palabas ng Tham Luang cave system.

Thailand cave rescue: Mga kaganapan sa loob ng 9 na araw na pagligtas sa Football team at kanilang coach

image: BBC

Paano nga ba ang proseso ng pagsagip sa mga batang na-trap sa kuweba?

Dalawang rescuers ang kasama ng isang bata sa paglabas ng kuweba. Sila ay naglakad, umakyat, at kinailangan din sumisid sa tulong ng mga tali na nakakabit na sa kweba na maari nilang makapitan palabas.

Nakasuot sila ng full mask at tradisyonal na mga respirators o breathing system na dala dala at nakakabit sa dalawang rescuer na kasama ng bata.

Ang pinakamahirap daw na bahagi ng rescue ay ang tinatawag nilang "T-Junction" kung saan sa sobrang kipot, kinailangang tanggalin pa ng mga rescuers ang kanilang mga respirator para lamang makalagos.

Sa tinatawag naman nilang chamber 3 na bahagi ng kuweba, maaring mamahinga muna dito ang mga batang ni-rescue. Paglabas pa lang ng kuweba agad na dinala ang mga bata sa ospital.

Thailand cave rescue: Mga kaganapan sa loob ng 9 na araw na pagligtas sa Football team at kanilang coach

image: BBC

Ang mga batang na-trap sa kuweba ay sina, Chanin Vibulrungruang, 11 (Nickname: Titan),

Panumas Sangdee, 13 (Nickname: Mig), Duganpet Promtep, 13 (Nickname: Dom), Somepong Jaiwong, 13 (nickname: Pong), Mongkol Booneiam, 13 (nickname: Mark), Nattawut Takamrong, 14 (nickname: Tern), Ekarat Wongsukchan, 14 (nickname: Bew), Adul Sam-on, 14, Prajak Sutham, 15 (nickname: Note), Pipat Pho, 15 (nickname: Nick),Pornchai Kamluang, 16 (nickname: Tee), Peerapat Sompiangjai, 17 (nickname: Night)

Nabalitang humingi ng dispensa ang assistant coach Ekapol Chantawong, 25 taong gulang, sa mga magulang ng mga bata ngunit di naman ito sinisisi sa nangyare.

Apat na bata na ang nailabas ng maayos kahapon, Hulyo 8.

Masasabing mapanganib talaga ang ginagawang pagsagip sa mga bata dahil ang pagkamatay ng isa sa mga bihasang rescuers ang isang pruweba kung gaano kahirap ang makapasok at makalabas dito.

Nakadagdag pa sa panganib ang pagsisid ng mga rescuers kasama pa ang mga batang kanilang irerescue.

Nagmamadali na raw ang grupo sa pagsagip sa mga natitira pang bata sa takot na umulan at tumaas muli ang tubig.

Patuloy pa rin ang pagsagip na tinatayang aabot pa sa tatlo hanggang 4 na araw para tuluyang mailikas ang lahat ng na na-trap sa kuweba.

Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? Filipinos Answer Really Tricky Questions: Who Painted The Mona Lisa? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens umalma sa pagdadala ni Heart Evangelista ng liquid sa hand-carry sa loob ng eroplano

Netizens umalma sa pagdadala ni Heart Evangelista ng liquid sa hand-carry sa loob ng eroplano

Netizens umalma sa pagdadala ni Heart Evangelista ng liquid sa hand-carry sa loob ng eroplano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel