69 taong gulang na lolong bulag, matiyagang nagtatrabaho kahit pa mapanganib ito

69 taong gulang na lolong bulag, matiyagang nagtatrabaho kahit pa mapanganib ito

- Viral ngayon ang video ng isang bulag na lolo matiyagang nagtatrabaho at naghihiwa ng bunot

- Ayon sa nagbahagi ng video, labis siyang namangha sa matanda dahil sa kabila ng panganib ng kanyang ginagawa ay nagagawa parin niya ito nang di siya nasasaktan

- Umani ang post na ito ng iba't ibang reaksyon at halos lahat sila ay nais matulungan ang matanda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di mo talaga maiiwasang mapaluha pag nakita mo ang larawan at video ng 69 na taong gulang na matandang bulag na nagtatrabaho pa rin sa kabila ng kanyang sitwasyon.

Napag-alaman ng KAMI na namumuhay mag-isa si Lolo Jr Velsquez at pinanganak na siyang walang paningin.

Ngunit hindi ito nakahadalang kay Jr upang gumawa ng mga gawain tulad ng paghuhugas ng plato, pagluluto at iba pang gawaing bahay

Di lang iyon, kinakailangan din niyang kumita ng pera kaya naman maski ang panganib ng paghihiwa ng mga bunot ay nagagawa rin niya.

Marahil maniwala ka sa mga 'anghel' na gumagabay sa tao dahil kung titingnan mo ang larawan at video halos nakatutok na ang patalim kay Lolo Jr ngunit di manlang siya nasusugatan sa kanyang ginagawa.

Halo-halong emosyon ang nadama ng mga netizen na nakakita ng post na ito tungkol kay lolo Jr at marami talaga ang na-inspire sa kanyang kwento.

Narito ang ilan sa kanilang mga reaksyon:

"Kaawaan kayo ni god Tay.."

"Wawa nman c lolo"

"Sino my alam dto d ko kse ma share eto sa kmjs page"

"we're so proud of youuu tatayyy"

"Address ni lolo sana sa post na to.nakakaawa."

"You are one of the best definition of a responsible father and a man. God Bless you and your family"

" Lolo darating na po kang malaking tulong para sa iyo God Will Bless you po lolo...."

Umabot na sa mahigit 5 milyong views ag video ni Lolo Jr.

Umaasa ang lahat na makarating ang post na ito sa kinauukulan upang nang sa gayon ay matulungan ang matanda at maibsan ang hirap na dinaranas ng matanda.

Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? Filipinos Answer Really Tricky Questions: Who Painted The Mona Lisa? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
PNP, binabawi umano ang kanilang suporta mula sa FPJ's Ang Probinsyano

PNP, binabawi umano ang kanilang suporta mula sa FPJ's Ang Probinsyano

PNP, binabawi umano ang kanilang suporta mula sa FPJ's Ang Probinsyano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel