OFW, labis na nag-aalala sa kapwa niya domestic helper na delikado ang ginagawang paglilinis sa trabaho

OFW, labis na nag-aalala sa kapwa niya domestic helper na delikado ang ginagawang paglilinis sa trabaho

- Binahagi ng netizen na si Rochen Monte ang ginagawang paglilinis ng kapwa niya Domestic helper na labis niyang kinabahala

- Araw-araw daw di umanong lumalabas ng bintana ng ika-24 na palapag na building ang kapwa niya OFW para linisin ito

- Labis itong ikinabahala ni Rochen sapagkat napaka-delikado daw ng ginagawang ito ng kapwa niya OFW

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Labis na nabahala ang OFW na si Rochen Monte para sa kapwa niya domestic helper na Pinay sa Hongkong kung saan nakunan niya ng larawang naglilinis ng bintana ng ika-24 na palapag ng gusali.

Nalaman ng KAMI na araw-araw pala itong ginagawa ng Pinay kaya naman mas lalong nakakabahala dahil sa peligrong maaring mangyari sa kanya.

Ayon sa post ni Rochen, talagang lumalabas pa raw ng bintana ang OFW para lamang maayos na malinis ito.

May isang kuha pa nga kung saan di pa siya nakalabas ng bintana at pilit lamang niyang inaabot ang parteng nais niyang linisin. Mas nakakatakot tingnan dahil naka-sungaw lamang ang OFW na mapasama lamang siya ng balanse ay maari niya itong ikahulog.

Halong takot at pagkamangha naman ang naramdaman ng ilang netizens na nakakita ng larawan. Sabi pa ng ilan sa kanila, bawal at wala sa kontrata ang ginagawang paglilinis ng OFW sa labas ng bintana. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Ang lakas nmn ng loob ni ate.."

"Bawal po yan nasa contract yan"

"pwede yan e.report kc bawal yan.. Nasa contract ntin yan nkasulat bhe.."

"Grabi ako nga 7 floor kami peru never ako nag linis ng bintana namin at ayaw din ng amo ko mula tinanggal nya ang driver namin kz sya ang tagalinis noon at never tlaga ako ng linis ng glass windows namin khit malabo na ang glass sa labas"

"Bawal na Yan dapat inirereport na sa labor yan"

Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? Filipinos Answer Really Tricky Questions: Who Painted The Mona Lisa? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens umalma sa pagdadala ni Heart Evangelista ng liquid sa hand-carry sa loob ng eroplano

Netizens umalma sa pagdadala ni Heart Evangelista ng liquid sa hand-carry sa loob ng eroplano

Netizens umalma sa pagdadala ni Heart Evangelista ng liquid sa hand-carry sa loob ng eroplano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel