Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, ninang at ninong daw sa kasal ni Iza Calzado

Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, ninang at ninong daw sa kasal ni Iza Calzado

- Inihayag nga ni Iza Calzado na isa sa magiging ninang niya sa kasal kay Ben Wintle ay si Judy Ann Santos

- Kasama ni Juday ang kanyang mister na Eat Bulaga Dabarkad na si Ryan Agoncillo bilang ninong

- Hindi sinabi ni Iza ang ibang mga pangalan pero isiniwalat niya na tatlo lang daw ang magiging principal sponsors niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Malapit na ngang ikasal si Iza Calzado at sa kanyang fiancé na si Ben Wintle, at may binahagi pa ang aktres tungkol sa kanyang nalalapit na kasal sa 'PEP o Philippine Entertainment Portal.'

Napag-alaman ng KAMI na binahagi ni Iza ang iilang detalye tungkol sa kaniyang wedding at baka daw ay kailangan niyang tumigil muna sa pagtrabaho, pabirong sagot ng aktres sa press.

Hindi masyadong nagbigay ng detalye si Iza basta hirit pa niya ang "Belo bride preparation" daw ang magaganap.

At sa tanong na kumpleto na ba umano ang line-up ng principal sponsors niya para sa kanyang wedding, ang sagot naman niya ay uu dahil konti lang naman daw kasi.

Dito ay binahagi din niya na tatlo lang kanyang set ng ninang at ninong at sagot niya sa tanong kung bakit konti lang, paliwanag pa ni Iza:

“Ah, actually, ayaw talaga namin. Ayaw namin, sa totoo lang.

Hindi niya nireveal ang names ng ibang principal sponsors bast ang sure niya ay sina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos

Pinili daw niya ang huli ay dahil:

“Ah, because she’s somebody that I really look up to and we’ve been friends naman since 2004."

Dagdag pa niya:

“So, ang kailangan sa akin, may matagal na relationship.I also look up to her as a family woman. Alam mo yun?"

Nakakafeel din daw siya na naglolook-out si Juday sa kanya sa industriya.

“I’ve always felt her look out for me in this business. Parang dati meron siyang project, ipapasa niya sa akin."

Dahin din daw doon ay naging grateful siya sa aktres.

“So, parang grateful ako doon."

Si Iza Calzado ay isa sa mga homegrown contract artists ng GMA na nakilala bilang ang unang aktres na gumanap bilang Sang'gre Amihan sa Encantadia.

Pumirma ng kontrata sa Kapamilya network pagkatapos ng isang dekada bilang Kapuso.

At sa ibang bahagi, tinanong ng grupo ang mga Pinoy ng mga iilang mga tricky questions at nakaka laughtrip ang nangyari dahil tila napa trick o treat sila sa mga tanong.

Pero higit sa lahat marami din ang natuto.

Tingnan ang video sa baba sa nasabing tanungan.

Watch more HumanMeter videos on YouTube

Source: Kami.com.ph

Related news
OFW na dinala ng amo sa airport na wala ni isang gamit, tinulungan ng kapwa Pinay

OFW na dinala ng amo sa airport na wala ni isang gamit, tinulungan ng kapwa Pinay

OFW na dinala ng amo sa airport na wala ni isang gamit, tinulungan ng kapwa Pinay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel