Pag-artistahin na yan! Taxi Driver na scammer, nagda-drama daw para kaawaan ng pasahero at mabigyan siya ng pera

Pag-artistahin na yan! Taxi Driver na scammer, nagda-drama daw para kaawaan ng pasahero at mabigyan siya ng pera

- Viral ngayon ang taxi driver na ang modus daw ay gumawa ng kwento ng para kaawaan ng kanyang mga pasahero ay kalauanan ay mabigyan ng pera

- Iba't iba ang ginagawang kwento ng driver na maski pagkamatay ng may sakit daw na anak ay nagamit niya

- Dumaraming netizens na ang nabiktima ng driver na ito na talga namang nakaalarma dahil kapani-paniwala daw ang acting nito dahil umiiyak pa raw ito na parang may totoong pinagdaraanan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ni Ann Manrique ang karanasan niya sa isang taxi driver kung saan kakaiba ang modus nito na parang artista.

Nalaman ng KAMI na bagaman kapani-paniwala ang 'drama' ni Manong driver, scam lamang daw ito.

Ang nakakagulat pa rito, di lang pala si Anne ang nakaranas ng ganitong scenario dahil makailang netizens na ang nagmensahe na sila rin ay nabiktima ng driver na ito.

Sa salaysay ni Anne, nang sakay sila ng taxi, narinig niya na may kausap ang driver at tila asawa niya ito. Hanggang sa narinig na lamang niya ang linyang "hindi naman porket cancer na susuko na tayo..hindi naman ibig sabihin nun wala na. Lalaban tayo. Gagawa tayo ng paraan.."

Dito naisip ni Anne na may matinding pinagdaraanan ang pamilya ng driver.

Makikita pa sa video na lumuluha ang driver. Sa kasamaang palad, 'modus' lang daw pala ito ng driver at may ilang nabiktima ito na nagbigay pa ng hindi bastang halaga.

Nakatanggap si Anne ng ilang kwento na nasakyan din daw nila ang parehong driver.

Pare-pareho halos ang sitwasyon kung saan mahinang usapan muna hanggang sa iparirinig na lamang ng driver na may malubhang karamdaman ang isa sa kanilang pamilya.

Nagamit pa niya ang sitwayon na sa kasamaang palad, namatay din daw ang anak na may cancer.

Umabot sa pitong netizen ang nagpadala ng personal na mensahe kay Anne patungkol sa parehong karanasan nila sa driver.

Kaya naman pakiusap ni Anne na sa susunod daw na maranasan ng isang netizen ang ganitong 'modus' ng driver, maari daw na kuhanan ng larawan ang plate number ng taxi, operator at kung kakayanin ay mismong larawan ng driver nang sa ganoon ay tuluyan nangmatigilan ang panlilinlang at panloloko niya sa mga pasahero. Kung ito man ay totoo, isang uri na ito ng pangingikil.

Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? Filipinos Answer Really Tricky Questions: Who Painted The Mona Lisa? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
OFW na dinala ng amo sa airport na wala ni isang gamit, tinulungan ng kapwa Pinay

OFW na dinala ng amo sa airport na wala ni isang gamit, tinulungan ng kapwa Pinay

OFW na dinala ng amo sa airport na wala ni isang gamit, tinulungan ng kapwa Pinay
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel