Viral ngayon! Bata iniwan daw ng mga magulang sa kotse sa Pasig habang sila ay nakikipagwalwalan

Viral ngayon! Bata iniwan daw ng mga magulang sa kotse sa Pasig habang sila ay nakikipagwalwalan

-Nag-viral ang video na ito na inupload ni Jasper Pascual matapos niyang maabutan ang isang bata sa loob ng kotse sa isang parking lot sa Pasig

-Humingi agad ito ng tulong sa gwardya na nakaresponde ng oras na iyon

-Hinanap naman agad ng guard ang mga magulang ng bata at sinabing nakita daw na nakikipag-inuman sa kalapit na establisyimento.

Walang tigil sa kahihiyaw at pag-iyak ang isang bata na di umano ay nasa 2 taong gulang ang namataan ni Jasper Pascual, isang lalaking dumadaan lamang sa isang parking lot sa Pasig. Ito kasi ay nasa loob ng isang SUV na walang kasama. Ang makina ng kotse ay nakapatay at onting uwang lang daw sa bintana ang iniwan ng mga magulang. Halong may galit at nagpanic si Jasper ng makita ang bata kung kaya't naisipan na lamang tawagin ang gwardya doon.

"Tawagin niyo nga mamamatay o... ****"

"Mag-iinom kayo tapos iiwan ninyo yung bata dito sa loob"

"Walang bintana o, mamatay yan brod"

"Baby wait lang ha! Tatawag ako ng guard beh"

Tinawag agad nito ang security guard na kasalukuyang rumerespondo sa naturang lugar. Ayon sa gwardya, nang hanapin niya ang mga magulang ng bata ay nakita daw niya ang mga ito na nakikipag-inuman sa kalapit na establisyimento. Galit pa daw ang mga magulang ng bata ng sila ay lapitan ng gwardya. Nauna daw na dumating ang ina ng bata sumunod naman ang kanyang ama, 10 minuto ang makalipas.

Upang makaiwas sa gulo ay hinayaan na lamang ng uploader na ito ang pangyayari sa gwardya upang pagsabihan ang mag-asawa.

Ipinapaalala namin sa KAMI kung gaano kapeligroso para sa mga bata ang maiwan sa loob ng kotse habang ang makina nito ay patay at walang sino man ang nagbabantay. Marami na din ang mga nabalita na kung saan humantong sa kamatayan ang kapabayaang ito.

Filipinos Answer Really Tricky Questions: Who Painted The Mona Lisa? | HumanMeter Have you missed our Tricky Questions? Welcome to another episode of our show! Today our “victims” are people of Cubao. It is they who will answer the new set of really tricky questions our team has prepared. A little spoiler: some questions are about famous Italians! So… What about you? Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? Will you be able to give the correct answers to all tricky questions from this episode? - on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Bong Revilla faces the public for the first time since release and shares experience in jail

Bong Revilla faces the public for the first time since release and shares experience in jail

Bong Revilla faces the public for the first time since release and shares experience in jail
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel