Sunshine Cruz, inaming naapektuhan ang mga anak sa alegasyong nangurakot si Cesar Montano!

Sunshine Cruz, inaming naapektuhan ang mga anak sa alegasyong nangurakot si Cesar Montano!

- Si Cesar Montano ay nagbitiw sa pusisyon sa gobyerno dahil sa isyu ng kurapsyon

- Ayon sa dati niyang asawa na si Sunshine Cruz, pati mga anak nila ay naaapektuhan ng balita

- Dahil dito, pinayuhan ni Sunshine ang mga bata kung paano haharapin ang kontrobersyang ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inamin ni Sunshine Cruz na naapektuhan na ang kaniyang tatlong anak – sina Angeline Isabelle Manhilot, Angel Francheska Manhilot, Samantha Angeline Manhilot – sa mga alegasyon ng kurapsyon laban sa dati niyang asawa na si Cesar Montano.

Nalaman ng KAMI na kinausap na rin ng aktres ang mga anak niya kung paano haharapin ang kontrobersyang ito ng kanilang ama.

Ayon sa pahayag niya sa PEP.ph, hindi dapat mahiya ang mga bata dahil siya, at hindi si Cesar, ang nagbibigay sa kanila ng lahat ng bagay na meron sila.

“Like what I told the kids, ‘You shouldn’t be affected because even your vehicle and even the clothes you wear are from your mom.

"'I work hard to be able to provide those for you. So you just have to pray for your dad because he’s your father,’” sinabi ni Sunshine.

Dagdag pa ng aktres, ayaw niyang magtanim ng galit ang mga anak niya kay Cesar. Ayon sa rumors, naghiwalay ang dalawa dahil daw nang-bababae si Cesar.

“Hangga't maaari, hindi ko tinuturuan magtanim ng sama ng loob yung mga bata sa kanya…

“Bumati naman sila nung Fathers Day… Pero siyempre, di ba? Tatay is tatay. Eventually baka naman…

"We’re hoping na maayos. Baka kailangan lang niya ng more time,” paliwanag ng aktres.

Gaya ng sinaad sa naunang report, nag-resign si Cesar Montano sa pusisyon sa gobyerno dahil sa pagbayad nito ng P80 million sa organizer ng Buhay Carinderia kahit hindi pa tapos ang proyekto.

Kwinestyon din ang pagkuha sa Buhay Carinderia nang walang public bidding, taliwas sa standard procedure para sa mga proyekto ng gobyerno.

Si Sunshine naman ay may legal battle laban sa dati niyang kaibigan na si Kathy Dupaya, na inaakusahan niyang nang-scam sa kaniya.

Did you miss our Tricky Questions? Welcome to another episode of our show! Today our “victims” are people of Kavala. It is they who will answer the new set of really tricky questions our team has prepared. Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? – on KAMI HumanMeter channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ina, nakuha nang magpaalam sa mga anak dahil sa inaakalang malubhang karamdaman

Ina, nakuha nang magpaalam sa mga anak dahil sa inaakalang malubhang karamdaman

Ina, nakuha nang magpaalam sa mga anak dahil sa inaakalang malubhang karamdaman
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel