"Basurero" nakapagtapos sa kolehiyo sa kabila ng lahat ng kahirapan at mga pangbu-bully
- Pinag-uusapan at pinupuri ang isang basurero sa Cagayan de Oro na dahil sa pagtatapos sa kolehiyo sa kabila ng pagtutuya sa kanya dahil sa kanyang kasalatan sa buhay
- Ngunit, sa kabila ng lahat ng hirap at sakit na nararanasan ay hindi ito niya inalintana datapwa't ay ginawa niyang inspirasyon para makapagtapos ng pag-aaral
- At sa katunayan ay pinatunayan ni Jeb Bayawon, ang basurero na nagtapos ng kolehiyo, na hindi hadlang ang kahirapan para makapagtapos ng pag-aaral at abutin ang mga pangarap
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Ibinalita ng TV Patrol sa ABS-CBN News ang nakakamanghang kwento ng isang batang basurero na si Jeb Bayawon na nagsumikap at hindi inalintana ang lahat ng hirap at kutya ng ibang tao upang makapagtapos ng pag-aaral.
Dahil sa magandang aral ng pagsumikap at pagtiis sa hamon ng buhay na nangyari sa buhay ng isang batang basurero na nagtapos ng kolehiyo ay ibinabahagi namin dito sa KAMI ang magandang kwento na ito.
Naway pagpulutan ng aral ito ng ating mga kabataan ngayon na hindi hadlang ang kahit ano mang hirap para makapagtapos at abutin ang mga pangarap.
Ayon pa sa balita, bagaman laging tinutuya si Jeb Bayawon dahil sa kanyang hanapbuhay ay determinado ang binata na makapagtapos ng pag-aaral.
Sabi pa niya:
"Tinatawag ako na basurero, 'yong teacher ko naman ayaw sa akin kasi mabaho ako."
Hindi daw naging madali ang kanyang naging karanasan para lang makapagtapos, ayon pa kay Jeb.
Sumabay naman sa hirap ng buhay ang magkasunod na pagkamatay ng kaniyang mga magulang dahil sa sakit.
Naging ulila si Jeb at ang kaniyang mga kapatid ay mayroon ng sariling pamilya.
Dahil sa isang foudnation na tinulungan si Jeb Bayawon makapagtapos ng pag-aaral, ngayon nga ay nakapagtapos siya sa Mindanao State University sa kursong Bachelor of Secondary Education Major in English.
Ngayon daw ay naghahanda na siya para sa kanyang licensure examination sa pagkaguro sa darating na buwan ng Setyembre.
At dahil na din gustong magpasalamat ni Jeb Bayawon sa foundation na tumulong sa kanya ay plano niya na maglingko sa huli na tumulong sa kaniya.
At sa ibang bahagi, tinanong ng grupo ang mga Pinoy ng mga iilang mga tricky questions at nakaka laughtrip ang nangyari dahil tila napa trick o treat sila sa mga tanong.
Pero higit sa lahat marami din ang natuto.
Tingnan ang video sa baba sa nasabing tanungan.
Watch more HumanMeter videos on YouTube
Source: KAMI.com.gh