"May forever nga ba sa kanila?" Tanong na pinupukol sa 6 kontrobersiyal showbiz couples

"May forever nga ba sa kanila?" Tanong na pinupukol sa 6 kontrobersiyal showbiz couples

- Naispatan ng aming team ang post ng 'GMA News' sa Facebook sa mga kontrobersiyal showbiz couples na ito

- Sila lang naman ay palaging laman ng balita at intriga dahil na din sa kontrobersiya na kinasasangkutan o sa mga intriga na pinupukol sa kanila

- Binahagi ng 'GMA Entertainment' ang 6 na pares na kontroberisyal showbiz couples ngayon, at ang tanong kung "may forever nga ba sa kanila?"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ngayon ay binabahagi ng KAMI ang listahang ito sa inyo sa pag-asa na makakapagbigay ng inspirasyon at aral na din sa mga nagmamahalan na couples na ang tunay na pag-ibig ay ipinaglalaban at siyang susi sa tunay na kalagiyahan ng bawat isa.

Heto ang 6 kontrobersiyal showbiz couples (in no particular order) na pinatunayan na hahamakin at susuuingin ang lahat dahil sa pag-ibig.

6. Mikael Daez and Megan Young

Ayon pa sa kwento news outlet, matagal din na pinag-alam ng couple na ito ang kanilang relasyon.

Ngayon ay 7 years na pala silang magboyfriend at girlfriend at saad pa ni Mikael Daez ay hindi naman umano sinadya nila na itago ang kanilang relasyon.

Bukod sa pagiging travel buddies ay food at gym buddies din ang mga ito.

5. Carla Abellana and Tom Rodriguez

Nagkaiibigan ang dalawa sa teleserye ng Kapuso network ang 'My Destiny,' kung saan din nabuo ang team TomCar.

Lalong sumaya ang mga fans nang inamin ng dalawa na sila na.

Ayon pa sa balita, na sa magkaibang intervies ay inamin daw ng dalawa na pinag-uusapan na nila ang tungkol sa kasal.

4. Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli

Saad pa sa balita, 2014 daw ng naging sila sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Tila going strong pa din naman ang relasyon ng dalawa, dagdag pa sa balita.

Sa katunayan ay nagbahagi ng ng isang napakasweet na mensahe si Matteo kay Sarah sa kanyang Instagram account, at sabi pa ng aktor, model, at singer:

"Keep walking, i'll always be beside you. No matter what. I love you my love. And I miss you."

Ito ang sambit ni Matteo na nagkaroon ng malaking issue si Sarah sa Las Vegas show niya.

"Forever's not enough kaya ang peg nila?"

3. Paolo Contis and LJ Reyes

Noong 2016 daw umamin sina Paolo Contis at LJ Reyes sa relasyon na namamagitan nila.

Siguro daw ang isa sa dahilan kung bakit nagtagal ang relasyon nilang dalawa ay dahil magkasundo daw sina Paolo at ang anak ni LJ na si Aki.

2. John Lloyd Cruz and Ellen Adarna

Ayon pa sa GMA news entertainment site, naging kontrobersiyal ang dalawa nang kumalat sa internet ang kanilang mga sweet pictures together noong 2017.

Dugtong pa sa balita ay sunod-sunod din ang mga news tungkol sa dalawa at sa napapabalitang diumano'y pagbubuntis ni Ellen.

Nagpaplano din daw umano ang dalawa na magpakasal at mamuhay ng tahimik.

1. Dennis Trillo and Jennylyn Mercado

Naging sila, nagkahiwalay, nagkabalikan, at tila naging road to forever na nga sina Jenny Mercado at Dennis Trillo.

Marami ang nautwa sa balita at isa ang common sa kanilang dalawa na siguro siyang nagpatatag ng kanilang relasyon at ito ang hilig sa outdoor activities o trips.

At sa ibang bahagi, tinanong ng grupo ang mga Pinoy ng mga iilang mga tricky questions at nakaka laughtrip ang nangyari dahil tila napa trick o treat sila sa mga tanong.

Pero higit sa lahat marami din ang natuto.

Tingnan ang video sa baba sa nasabing tanungan.

Watch more HumanMeter videos on YouTube

Source: Kami.com.ph

Related news
Dakilang panunulsol! Daniela, inutusan si Marga na kunin ang loob ni Cassie

Dakilang panunulsol! Daniela, inutusan si Marga na kunin ang loob ni Cassie

Dakilang panunulsol! Daniela, inutusan si Marga na kunin ang loob ni Cassie
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel