Gary V, nakaramdam ng pagsakit ng dibdib habang nagperform sa 35th anniversary niya sa ASAP

Gary V, nakaramdam ng pagsakit ng dibdib habang nagperform sa 35th anniversary niya sa ASAP

- Noong 35th showbiz anniversary pa la ng 'Mr. Pure Energy' Gary V sa ASAP ay nakakaramdam na pala siya ng paninikip sa dibdib

- Ito ay nangyari noong April 22, 2018, ngunit sa kabila ng lahat ay hindi mo makikita sa kanya ang sakit dahil na din todo hataw pa rin ito at nakangiti

- Sa kabila ng sakit at paninikip ay nakuha pa ng total performer ang ngumiti at magperform ng nakakabilib na performance

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa unang pagkakataon nga ay binahagi ni Gary Valenciano ang pinagdaanang unos sa buhay lalo na sa kanyang kalusugan.

Kamakailan lang ay nagulantang ang lahat ng malaman ang nangyari sa 'Mr. Pure Energy' na inoperahan ito sa puso.

Isang pagbalik tanaw ang ginawa n PEP sa pamamgaitan ng panayam at tell-all interview ng total performer sa 'Rated K' kay Korina Sanchez.

Ayon pa sa kwento ni Gary V sa nasabing panayam na naispatan ng KAMI, nagawa pang ngumiti niya sa all-out performance niya sa ASAP noong 35th anniversary niya sa showbiz noong April 22, 2018.

Sa nasabing interview niya kay Korina Sanchez na pinalabas kagabi, July 8, ay nagbalik tanaw si Gary V sa nangyari sa kanya.

Sumisikip na pala ang dibdib niya noon "Hataw Na" production number niya para sa anibersary niya sa showbiz.

Ayon pa sa kanya:

"Umpisa pa lang ng number, nararamdaman ko na na sumisikip ang dibdib ko at may masakit dito sa gitna. Habang nagpe-perform ako, nararamdaman ko na na lalong sumasakit."

Ang Kapamilya superstar ay binahagi na ang anak niya na si Gab Valenciano, na kasama niya sa production number na iyon ay nakapansin din sa kakaibang kilos ng ama.

"Napansin ng anak ko na yung ibang galaw ko, hindi na hataw."

Pagkatapos ng kaniyang performance ay niyakap niya ang kanyang anak na si Gab sa stage na makikita din sa video sa baba at inilarawan ang sakit na nararamdaman.

"Sabi ko, pray for me kasi sumasakit ang chest ko."

Dahil dito ay nagpacheck-up na si Gary V at nalaman na nga ng mga doktor na isa sa kanyang "main arteries" sa puso ay 95% blocked.

Pagkatapos ng nasabing heart surgery, nakaramdam na naman ng sakit si Gary V at nadiskubre ng mga doktor niya na mayroon siyang cancer cells sa kanyang kidney.

Inoperahan siya agad at kinuha ang 30% ng kanyang kidney, at sa ngayon, ay cancer-free na ang total performer kahit hindi siya sumailalim sa chemotherapy at radiation.

Pagtatapos na mensahe ni Gary V na talaga namang tagos sa puso ang magandang aral:

“Kahit anong sabihin ng doktor, kung kayo ay nasa palad ng Panginoon, ang daming mga imposible maaring maging possible, at yan ang nangyari sa buhay ko.”

At sa ibang bahagi, tinanong ng grupo ang mga Pinoy ng mga iilang mga tricky questions at nakaka laughtrip ang nangyari dahil tila napa trick o treat sila sa mga tanong.

Pero higit sa lahat marami din ang natuto.

Tingnan ang video sa baba sa nasabing tanungan.

Watch more HumanMeter videos on YouTube

Source: Kami.com.ph

Related news
Beautiful inside and out! 10 Most admired Pinay superstars

Beautiful inside and out! 10 Most admired Pinay superstars

Beautiful inside and out! 10 Most admired Pinay superstars
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel