Hindi magkandaugaga! Tawang-tawa ang mga tao sa "underground camera" ni Alex Gonzaga

Hindi magkandaugaga! Tawang-tawa ang mga tao sa "underground camera" ni Alex Gonzaga

- Nawasak na naman ang online world sa palitan ng mga messages ng magkaibigang Alex Gonzaga at Luis Manzano

- Kamakailan lang ay isa namang nakakalaughtrip na pag-uusap ang talaga namang pinag-uusapan na naman sa online world

- Pero ngayon, hindi lang ito comment sa kanilang mga posts kung hindi ang pinag-usapan nila sa kanilang mga private messages na sasakit ang tiyan mo sa kakatawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi na lingid sa kaalaman ng marami lalo na sa mga tagahanga ng "I Can See Your Voice" host na si Luis Manzano at ang 'SING-vestigator' na si Alex Gonzaga.

Pagkatapos mag banatan sa IG ay sa Twitter na naman naghasik ng katatawanan ang dalawang magkaibigan.

Isang tweet ang pinost ng nakakabatang kapatid ni Toni Gonzaga sa kanyang account na isang pag-uusap nila ni Luis sa private messages nila na unang naispatan namin sa 'News Feed.'

Ang tila normal na usapan ay naging nakakalokang tawanan dahil sa isang pahayag na ginawa ni Alex sa isang bagay.

Ayon sa nakita ng KAMI sa naturang tweet ng huli, tila nag-uusap ang dalawa tungkol sa isang outing na pupuntahan nila.

At kitang-kita naman na kahit private message ay nagbabanatan ang dalawa ng biglang mas lalong na wasak ang mga netizens sa kakatawa dahil ang tawag ni Alex sa "underwater camera" ay "underground camera."

Tingnan ang nasabing pag-uusap nina Alex Gonzaga at Luis Manzano sa baba.

Hindi naman nakapagpigil ang mga fans sa kakacomment at kakaretweet.

"Sakit sa tyan kakatawa sa inyo (laughing emojis)"
"Napaisip ako bigla sa underground camera baka nga meron. (laughing emojis)"
"HAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHA GUSTO KO DEN TE NG UNDERGROUND CAMERA LOVEYOUU"

"Stress ako kanina but now thanks sa underground camera... (laughing)"

"Hahahaha lintek underground (laughing) sa kweba ata pupunta e (laughing)"

At sa ibang bahagi, tinanong ng grupo ang mga Pinoy ng mga iilang mga tricky questions at nakaka laughtrip ang nangyari dahil tila napa trick o treat sila sa mga tanong.

Pero higit sa lahat marami din ang natuto.

Tingnan ang video sa baba sa nasabing tanungan.

Watch more HumanMeter videos on YouTube

Source: Kami.com.ph

Related news
Single mom na OFW, matagumpay na naitaguyod ang dalawang anak sa loob ng 20 taon

Single mom na OFW, matagumpay na naitaguyod ang dalawang anak sa loob ng 20 taon

Single mom na OFW, matagumpay na naitaguyod ang dalawang anak sa loob ng 20 taon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel