"Kumayod para mabuhay," mag-aaral nahabag sa isang lolo pero may aral na natutunan
- Isang mag-aaral ang nagshare ng kanyang kwento na talaga namang kakapulutan ng aral hindi lang nila pero lahat ng tao
- Dalawang mag-aaral ang naghanap ng magandang larawan para sa kanilang photo essay pero hindi nila aakalain na mas may mabuting aral pa silang matutunan sa kanilang paghahanap
- Nagviral nga ang pictures ng isang lolo na, ayon pa sa mga estudyante, nasa 60 or 70 years old o baka mas mahigit pa na kumakayod para mabuhay
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isang mag-aaral ang ginamit ang Facebook para ibahagi ang isang nakakalungkot na pangyayari pero kahanga-hangang sitwasyon
Habang naghahanap ng magandang larawan para gamitin sa kanilang photo essay, ang dalawang estudyanteng ito ay may mas magandang aral na natutunan sa kanilang paghahanap.
Ang nakakalungkot na nakakahangang kwento ng lolo na binahagi ng estudyante ay una naming naispatan sa FB page ng 'Pinoy Juander.'
Sa pagkaalam ng KAMI nito ay gusto naming ibahagi ang kwento dahil na din sa magandang aral na matutunan dito.
Ayon na din sa kwento ng naturang mag-aaral, nakita nila si lolo na nagtitinda ng mga gulay, nagbabanat ng buto kahit tila hirap na hirap na dahil na din sa kanyang edad.
Pero kahit anong bigat ng dinadala niya ay nakangiti pa rin ito na nagpaunlak ng litrato sa mga mag-aaral
Nalungkot ang mga estudyante pero dala-dala nila ang isang leksyon sa buhay na hindi hadlang ang edad para mabuhay at kumayod para mabuhay na hindi umaasa sa iba.
At kahit gaano kahirap ang buhay ay dapat nakangiti pa rin.
Sa pamamagitan nito ay mas madali at mas magaan kahit ano man ang pasanin na meron ka.
At sa ibang bahagi, tinanong ng grupo ang mga Pinoy ng mga iilang mga tricky questions at nakaka laughtrip ang nangyari dahil tila napa trick o treat sila sa mga tanong.
Pero higit sa lahat marami din ang natuto.
Tingnan ang video sa baba sa nasabing tanungan.
Watch more HumanMeter videos on YouTube
Source: KAMI.com.gh