Singing champion, na-block ng isang kaibagan dahil daw sa pagtanggi nitong kumanta sa kasal niya ng libre

Singing champion, na-block ng isang kaibagan dahil daw sa pagtanggi nitong kumanta sa kasal niya ng libre

- Si Jorell Canuel ay isang Semi-Finalist/Multi-Gold-Medalist and 2 Time Division Winner at World Championships of Performing Arts - WCOPA

- Binahagi niya ang screenshot ng naging usapan nila ng isang kaibigan niya noong siya ay kolehiyo na humiling sa kanyang kumanta sa kanyang kasal ng libre na kalaunan ay na-block ng kanyang kaibigan

- Di naging maganda ang tinakbo ng usapan nina Jorell at kaibigan dahil hindi nito naunawaan na ngayong maituturing na propesyunal na mang-aawit na si Jorell ay mayroon na itong talent fee

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang post ng singing champion na si Jorell Canuel dahil sa kontrobersyal post niya patungkol sa isang 'kaibigan' noong kolehiya na humihiling nakumanta ng libre para sa kanyang kasal.

Nalaman ng KAMI na di pa nga gaanong ka-close ni Jorell ang 'kaibigan' na ito, ganun ganun na lamang ang pag-imbita sa kanya ng pagkanta ng libre.

Nakatabi lang di umano ni Jorell ang 'close friend' niya na ito sa isang irregular na subject pa noong college.

Sa una, nakipagchikahan lang ang kaibigan hanggang sa inimbita na niya sa kasal niya si Jorell.

Natunugan na ni Jorell na pakakantahin siya nito sa kasal. Tinanong niya pa kung may request itong mga kanta para mapaghandaan. Isa pang hiniling ng kaibigan ay ang isa pa nilang kaklase na gitarista para daw 'acoustic' ang dating ng kantahan sa kanyang kasal.

Matapos ito nabanggit na ni Jorell na may tf o Talent fee ang pagkanta niya. Laking gulat naman ng kaibigan na nakiusap kung pwede thank you na lang. Pinaliwanag ni Jorell na pinaghahandaan niya ang ganitong mga bagay gaya ng practice, damit na isusuot at maging ang make-up para presentable sila sa entablado.

Tila di ito naunawaan ng kaibigan at kalaunan ay nagbitiw pa ng di magandang salita kay Jorell.

Di pa dito nagtatapos ang eksena dahil nagawa pa siyang i-block ng kaibigan nito.

Sa kanyang post, pinaliwanag ni Jorell na hindi daw "thanks friend" ang ibig sabihin ng "TF" at ang "free lancer" ay hindi raw "free lang sir"

Narito ang tinakbo ng kanilang usapan:

Si Jorell ay isang Semi-Finalist/Multi-Gold-Medalist and 2 Time Division Winner at World Championships of Performing Arts - WCOPA

Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? Filipinos Answer Really Tricky Questions: Who Painted The Mona Lisa? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Nakakadurog puso! Ateng guard pinalabas mahirap at gusgusing mag-iina sa Vista Mall, Taguig

Nakakadurog puso! Ateng guard pinalabas mahirap at gusgusing mag-iina sa Vista Mall, Taguig

Nakakadurog puso! Ateng guard pinalabas mahirap at gusgusing mag-iina sa Vista Mall, Taguig
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel