Ibang klase ang bagahe! OFW mommy, nagpapadala ng sariling 'breastmilk' para sa anak na nasa Pinas

Ibang klase ang bagahe! OFW mommy, nagpapadala ng sariling 'breastmilk' para sa anak na nasa Pinas

- Matiyagang pinadadala ng isang ina na si Felirose Bartolome ang sarili niyang 'breastmilk' sa mga anak niya na nandito sa Pilipinas

- Ginagawa ito ni Felirose upang masiguro na mauha pa rin ng kanyang mga anak ang nutrisyon na nakukuha sa gatas ng ina

- Di iniinda ni Felirose ang gastos sa pagpapadala ng kanyang gatas sapagkat ito na lamang ang paraan upang maipadama sa kanyang mga anak na ang pagsusumikap niya sa ibang bansa ay para rin naman sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Di alintana sa isang OFW Mommy na si Felirose Bartolome ang pagpapadala ng sarili niyang 'breastmilk' para sa kanyang mga anak na may edad salawang taon at anim na buwang sanggol.

Nalaman ng KAMI na isang Medical technologist sa isang ospital sa Singapore si Felirose kaya naman ang pagpapadala ng sarili niyang gatas ang tanging paraan para masigurado parin niya na may nakukuha paring mga natural na benipisyo ang kanyang mga anak.

Ibang klase ang bagahe! OFW mommy, nagpapadala ng sariling 'breastmilk' para sa anak na nasa Pinas

source: ABS-CBN news

"Comforting for me emotionally dahil at least kahit malayo sila sa akin I am still providing them the best of me, my nutrients and antibodies in the milk," kwento n Felirose sa panayam sa kanya ng ABS-CBN news.

Sinubukan naman ni Felirose na dalhin ang anak sa Singapore ngunit kasama ang kanyang ina, kinailangan na rin silang bumalik ng Pinas.

Nang nasundan naman ang panganay ni Felirose, gumawa siya ng paraan na maglaan ng oras para sa mga anak na nandito sa Pilipinas, ngunit dahil sa breadwinner siya, napilitan siyang bumalik ng Singapore at iwan ang mga anak sa kanilang lolo at lola.

Ibang klase ang bagahe! OFW mommy, nagpapadala ng sariling 'breastmilk' para sa anak na nasa Pinas

source: ABS-CBN news

Kaya naman naisip niyang ipadala na lamang ang kanyang breastmilk sa mga anak para di pa ito bumitaw sa gatas ng ina lalo pa at nasa edad sila kung saan kinakailangan talaga nila ang mga wasting nutrisyon na nakukuha dito.

"Dahil madami talaga akong milk, nanghinayang ako mag-stop. Initially, balak ko sana mag-breastfeed 'til 3 months lang tapos na-extend dahil madami ako supply kaya ko naisip, why not send my milk sa Pilipinas?" ani Felirose.

Ibang klase ang bagahe! OFW mommy, nagpapadala ng sariling 'breastmilk' para sa anak na nasa Pinas

source: ABS-CBN news

Isang malaking cooler ang nagsisilbing lagayan ni felirose ng kanyang mga iapapadalang 'breastmilk'. Dahil suportado naman siya ng kanyang mister, sinisikap din niya na makauwi halos kada buwan para siya na rin mismo ang makapagpa-breastfeed sa kanyang mga anak.

"Actually, di ko iniisip ang gastos while sending my milk, I have a supportive husband din kaya I just want to give myself sa mga anak ko through my breastmilk, kahit man lang 'yun maibigay ko kahit malayo ako sa kanila,"paliwanag ni Felirose.

Ibang klase ang bagahe! OFW mommy, nagpapadala ng sariling 'breastmilk' para sa anak na nasa Pinas

source: ABS-CBN news

Laking pasalamat niya sa kayang mga magulang sa tulong sa kanya sa ganitong gawain at sa pag-aaruga na rin sa kanyang mga anak habang siya ay naghahanapbuhay.

"Thank you sa lahat ng support na ibinibigay mo sa akin, sa lahat ng advice and wise words na sinasabi mo sa akin. Thank you for supporting my breastfeeding journey with my kids, ikaw pa ang nag-enganyo sa akin na ituloy ko lang at 'wag ako titigil habang may milk ako," pasalamat niya sa kanyang ina.

Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? Filipinos Answer Really Tricky Questions: Who Painted The Mona Lisa? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Nakakadurog puso! Ateng guard pinalabas mahirap at gusgusing mag-iina sa Vista Mall, Taguig

Nakakadurog puso! Ateng guard pinalabas mahirap at gusgusing mag-iina sa Vista Mall, Taguig

Nakakadurog puso! Ateng guard pinalabas mahirap at gusgusing mag-iina sa Vista Mall, Taguig
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel