Dating pala siyang kapuso! Vice Ganda, inalala ang kanyang Kapuso days

Dating pala siyang kapuso! Vice Ganda, inalala ang kanyang Kapuso days

- Ibinunyag ni Vice Ganda na sa Kapuso network unang lumabas ang kanyang kauna-unahang teleserye

- Naikuwento ito ni Vice habang nag-uusap sa isang segment ng It's Showtime

- Sinabi din niyang magaling talaga ang GMA noon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinunyag kamakailan ni Vice Ganda na ang una niyang teleserye ay sa GMA-7.

Habang nasa 'Tawag ng Tanghalan' segment sila ng noontime show na It's Showtime, napag-usapan nila ni Mariel Rodriguez ang kanilang mga pinapanood dati na teleserye.

Nagbahagi sila ng mga teleserye shows na kanilang pinanood hanggang sa maisingit ni Vice ang teleserye ni Donna Cruz.

“’Yong kay Donna Cruz, Villa Quintana [1995-1997]," saad niya.

Tila nakarelate naman si Mariel at sinabing, "Alam ko ‘yan! Alam ko ‘yan."

Habang nag-uusap sila, naitanong ni Amy Perez kung bakit halos show ng GMA 7 ang kanilang pinag-uusapan.

“Hindi, ang galing naman kasi talaga ng Channel 7 noon. At saka, diyan ako nagsimula, e.” sagot ni Vice.

Kasama pala siya sa TV series na Saang Sulok ng Langit (2005) na pinagbidahan ni Maxene Magalona.

“Di ba walang nakakaalala? Kahit nga GMA di nila naalala na galing ako doon. Hahaha!” biro niya.

Si Vice Ganda ay maituturing na isa sa pinakasikat na komedyante ng ABS-CBN ngayon.Bukod sa sold out concerts, araw-araw din siyang napapanood sa telebisyon. Blockbuster din ang kanyang mga pelikula.

Philippine Yoga Tutorial: Add Zen To Your Workout | on BeKami

oga for beginners: your intro to yoga is already on BeKami! Were you aware that Crystalle is not only a well-known fitness trainer in the Philippines but also a big fan of yoga? So, if you have already wanted to try yoga, this tutorial is a perfect opportunity to make the first move towards this activity right from your home!

Watching it, you can learn some basic poses and tips.

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, hindi mapigilan magreact sa panukalang baguhin ang huling linya ng Lupang Hinirang

Netizens, hindi mapigilan magreact sa panukalang baguhin ang huling linya ng Lupang Hinirang

Netizens, hindi mapigilan magreact sa panukalang baguhin ang huling linya ng Lupang Hinirang
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel