Alamin! Mga panganib ng paghalik kay baby

Alamin! Mga panganib ng paghalik kay baby

- Kinaugalian na ng karamihan sa atin ang paghalik kay baby

- Nakakagigil kasi ang mga baby kaya di maiwasan

- Ating alamin ang panganib na puwedeng mangyari kay baby dahil dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

pagmamahal sa kanila, mahalaga din na isa alang alang natin ang kanilang kalusugan.

Ang halik ay pwedeng makapagdala ng panganib. Alam niyo bang ang paghalik ay isang siguradong paraan ng paglipat at pagkalat ng germs na maaaring magdala ng panganib kay baby?

Narito ang ilang pinakamalubhang sakit na posibleng makuha dahil sa paghalik kay baby:

Alamin! Mga panganib ng paghalik kay baby

www.lifehack.org

Sipon at ubo

Alam ng karamihan sa atin na lubhang nakakahawa ang sipon at ubo lalo na sa pamamagitan ng paghalik. Kaya naman maging responsable nawa ang bawat isa, lalo na kung may sakit at iwasan nang lumapit sa baby.

Cavities

Ayon sa isang ulat mula sa ph.theasianparent.com, pwedeng mapasa ang Streptococcus mutans, ang bacteria na sanhi ng cavities sa pamamagitan ng paghalik lalo na pag sa labi.

Ang pagsasalo ng pagkain, Pati na rin ang pag-ihip nito kapag mainit ay maaari ding makahawa ng cavities, kaya’t dapat iwasan.

Herpes Simplex Virus (HSV)

Sa kahinaan ng immune system ng isang sanggol, hindi kakayanin ang sakit na dala ng cold sores. Kumakalat ang virus mula sa labi (dahil nahalikan) papunta sa buong katawan, kaya’t unti-unting manghihina ang sistema ng sanggol, na wala pang panlaban sa anumang sakit.

Ang “Kissing Disease”

Mononucleosis, o “mono” ang tawag sa sakit na nakakamatay na maaring naipapasa sa pamamagitan ng paghalik. Ilan sa mga sintomas nito ay pagkakaroon ng lagnat, sobrang pagod, pagkahilo at magang lymph nodes ang ilan dito. Kapag sanggol ang nagkaron ng mono, maaaring sipon lang o runny nose at pagkabagot ang makikitang sintomas.

Dahil viral ito, wala pang gamot dito at mahirap para sa murang katawan ng isang sanggol.

Ang RSV o respiratory syncytial virus

Ito ay umaatake sa baga kaya maaring magdulot ng hirap sa paghinga na maaring maging pulmoniya, isa pang fatal na kondisyon.

Food Allergies

Nalilipat ang allergen sa pamamagitan ng paghalik lamang. Maaring ma trigger ang allergy ng isang sanggol lalo at hindi pa alam ang allergies niya mula sa mga maliliit na piraso ng kinain ng isang tao na maaring malipat sa pamamagitan ng paghalik.

Pertussis o Whooping Cough

Maaring maging mapanganib ito para sa bata lalo na kapag hindi pa nababakunahan o mahina ang dose ng bakunang naibigay sa sanggol.

Hand, foot and mouth disease

Maari ding mailipat ang enterovirus, ang sanhi ng hand, foot, and mouth disease, at dahilan ng paglabas ng mga sores o rashes sa kamay, paa at bibig ng batang tinamaan ng virus na ito.

Bilang mga magulang o mga taong nakakaalam ng panganib nito, tungkulit nating paalalahanan ang mga kaibigan at kamag-anak upang masigurado ang kaligtasan ni baby. Mas maigi nang mag-ingat kaysa magsisi sa huli.

Philippine Yoga Tutorial: Add Zen To Your Workout | on BeKami

Yoga for beginners: your intro to yoga is already on BeKami! Were you aware that Crystalle is not only a well-known fitness trainer in the Philippines but also a big fan of yoga? So, if you have already wanted to try yoga, this tutorial is a perfect opportunity to make the first move towards this activity right from your home!

Watching it, you can learn some basic poses and tips.

Source: Kami.com.ph

Related news
Mag-ingat mga momshies! Too much screen exposure may lead to screen dependency syndrome according to studies

Mag-ingat mga momshies! Too much screen exposure may lead to screen dependency syndrome according to studies

Mag-ingat mga momshies! Too much screen exposure may lead to screen dependency syndrome according to studies
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel