Anne Curtis, napikon daw diumano matapos okrayin ni Vice Ganda ang kanyang gown sa Miss Q&A Finals

Anne Curtis, napikon daw diumano matapos okrayin ni Vice Ganda ang kanyang gown sa Miss Q&A Finals

- Matapos ang grand finals ng 'Miss Q&A' sa It's Showtime ay merong lumabas na balita na may kinalaman sa mga gowns ng mga hosts

- Ayon sa report, napikon diumano si Anne Curtis sa pang-ookray ni Vice Ganda sa gown niya

- Naging usapin din ang pa-bonggahan nilang gowns

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Talaga namang pasiklaban ng mga gowns ang mga It's Showtime hosts noong grand finals ng 'Miss Q&A.'

Nalaman ng KAMI na naging usapin talaga ang suot nilang mga gowns at meron ding mga nakapuna na tinalo pa nila ang mga suot ng contestants.

Ayon sa Bandera, isang malaking tanong daw kung may katotohanan ba ang balitang diumano ay napikon si Anne Curtis matapos okrayin ni Vice Ganda ang kanyang suot na gown.

Sinabi raw kasi ni Vice na parang may bandage ang dibdib niya dahil sa design ng kanyang gown.

Base rin sa report, ay tila na-overwhelm ang ibang hosts sa sobrang papalit-palit ni Vice ng gowns kaya naman pag wala na raw si Vice eh diumano pinag-uusapan ito ng ibang mga 'It's Showtime' hosts.

Ayon pa raw sa source ng Bandera, "Sanay na sila sa ganyan. Kung plastikan man sa kanila iyan, alam na nila iyan. Pero hindi talaga maiiwasan at mawawala yung magpatalbugan sila kahit sa mga damit man lang."

Ginanap ang grand finals ng 'Miss Q&A' sa Resorts World Manila noong Sabado, June 30. Si Juliana Parizcova Segovia ang kauna-unahang tinanghal na grand winner ng 'Miss Q&A' sa It's Showtime.

Every movie title can be funny! We can prove it! In this episode of HumanMeter, we will go in the streets of the Philippines and… won’t ask people tricky questions! Today we will ask them to replace one word in any movie title with the word "fart".

Fart Challenge: What If You Replace One Word In The Movie Title? - on Human Meter YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel