Sakay ng ambulansya di umabot sa ospital dahil sa pag-ticket ng traffic enforcer sa driver at 'nagmamadali' daw ito
- Viral ngayon ang video ng argumento ng traffic enforcer kung saan nabigyan ng tiket ang driver ng ambulansya dahil daw sa pagmamadali nito gayung traffic
- Pumanaw ang sakay ng ambulansya dahil sa abala ng panghuhuli sa driver nito
- Napanganga at napataas daw ng kilay ang mga netizen gayong alam naman ng lahat na dapat lamang na nagmamadali ang mga ambulansya dahil buhay ang isasagip nito
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Alam naman ng lahat na ang sasakyang ambulansya ang nagdadala sa mga pasyente kailangang maihatid agad sa ospital para mabigyan ng karampatang lunas. Kaya nga nakabaliktad ang sulat na 'AMBULANCE' sa harap upang mabasa sa side mirror ng sasakyan na nasa harap nito at padaanin ito upang makarating agad sa ospital.
Ngunit ibang klase ang nangyari sa abad santos kung saan nahuli raw ang isang ambulansya dahil sa nagmamadali ang driver nito.
Nalaman ng KAMI na pumanaw ang sakay ng ambulansya na isang ring traffic enforcer na inatake sa puso. Sa abala nang pag-tiket sa driver, di na umabot pa ng buhay ang pasyente.
Nakunan ng video ang argumento ng traffic enforcer sa driver at pilit pang giniit nito na pinalalaki pa raw ang isyu.
Katwiran ng driver, buhay ang isasalba nila at normal lamang na maghanap sila ng lulusutan dahil nga sa ambulansya ito at emergency ang sitwasyon.
Marahil alam ng traffic enforcer na wala na siya sa katwiran, pilit pinabubura nito ang video sa may hawak ng cellphone.
Samantala, galit na galit ang mga netizens na napanganga at napataas ang kilay sa video na ito.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Magaling pa magisip ang grade one pupil sa hinayupak na bobong MTPB na ito eh. Paano kaya magrecruit at mag train ang pamunuan ng MTPB? Mayor Erap ano ba ito? Kaya mo pa ba magpatakbo ng gobyerno ng ciudad? Nawawala na bilib namin sayo."
"Bobong trapic enforcer ng MTPB. Hindi yata alam ng trafic enforcer na ito ang mga priority sa kalsada. Bobo k ikakatwiran mo ba inaayos mo ang trafic,e hindi naman nawawala ang trafic. Kasamahan pa naman ninyo yong sakay na inatake."
"Ngayon alam mo na mr. Enforcer ung malaking pagkakamali mo, ang utak nasa sa taas wala sa talampakan, sabi nga ni joey de leon YARI KA, kay president mayor erap estrada"
"Haay nkuh walang alam yan sa protocol..dapat s enforcer na yan tanggalin sa serbisyo..kaawawa naman yung namatay"
"Simpleng SOP di nya alam BOBO kasuhan na yan Tanga dapat alisin sa sebisyo yan ng di makapagdisgrasya pa ulit !"
Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines?
Filipinos Answer Really Tricky Questions: Who Painted The Mona Lisa? | HumanMeter on KAMI YOutube channel
Source: KAMI.com.gh