Tatay, sinuong ang matinding putik maihatid lamang ang anak na gustong gustong pumasok sa paaralan

Tatay, sinuong ang matinding putik maihatid lamang ang anak na gustong gustong pumasok sa paaralan

- Nag-viral ngayon ang post ng isang ama na naghatid sa anak sa paaralan gamit ang motor at lumusong sa putikan

- Bagaman at napakahirap ng daan patungong paaralan, matiyagang hinatid ng ama ang anak na umalis na napakalinis at nakarating na puro putik

- Humanga naman ang netizen sa mag-ama dahil sa aral ng sitwasyon kung saan tatahakin ang lahat makapag-aral lang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ni Nel Tatskieboy Paulines ang dinanas nilang mag-ama nang minsang hinatid niya ang kanyang anak sa paaralan.

Nalaman ng KAMI na halos kahating bahagi ng motor ni Nel ay nalubog sa putikan dahil ito lamang ang maari nilang daanan patungong paaralan.

Humingi pa di umano si Nel ng paumanhin sa anak at di raw kinaya ng kanyang motor ang tindi ng putik kaya naman ang batang malinis na umalis sa kanilang bahay ay puro putik na nang nakarating sa paaralan.

Sabi pa ng ama, kung pwede lang daw suntukin ang putik para makaganti man lang sa sinapit nila nagawa na niya.

Samantala, umani naman ng papuri ang mag-ama sa pagpapakita na dahil sa kagustuhang mag-aral, susuunngin lahat makarating lang sa paaralan.

Narito ang komento ng ilang netizens:

"s gitna ng matinding putikan at mahirap n tahakin s daanan ihahatid sundo parin kita s paaralan mkapasok at makapag aral k lang kayang kong tiisin ang kahirapan mairaos kalang salute po aq s mga dakilang ama n kayang tiisin ang lahat para lng s munting anak n nag susumikap "

" Oy kalinis at ganda pa nman ng baby mo Neil tos di pa umabot sa school ang dungis na."

"Khit anung hamon ng buhay mahalaga maka pag aral lang upang ang kinubukasan ay gumanda.. putik lang yan.. isang ligo lang at laba lang yan tanggal n yan.. Ang Edukasyon kailanman hindi mawawala o hindi makukuha sa sa isang tao.. proud to you baby girl.. ok lang yan diba"

"Maging susi sana ito para sa deped , hamon sa deped to kung anong program nila para sa mga kagaya nito."

"Hangang hanga ako sau baby girl....maging ang mga magulang mo proud n.proud sau....wag maging hadlang ang anumang susuunging pagsubok ang mahalaga ang makapagtapos ng pag aaral...upang pangarap s buhay ay iyong makamtan...."

Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? Filipinos Answer Really Tricky Questions: Who Painted The Mona Lisa? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Lalaking ikakasal na sana, pumanaw dahil sa landslide

Lalaking ikakasal na sana, pumanaw dahil sa landslide

Lalaking ikakasal na sana, pumanaw dahil sa landslide
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel