Carla Abellana, may ibinunyag tungkol sa relasyon nila ni Tom Rodriguez

Carla Abellana, may ibinunyag tungkol sa relasyon nila ni Tom Rodriguez

- May mga matinding rebelasyon si Carla Abellana tungkol sa relasyon nila ni Tom Rodriguez

- Marami na kasi ang nagtatanong kung kelan ba sila mauuwi sa kasalan

- Hindi na rin sila bumabata ni Tom kaya naman sabik ang kanilang fans na lumevel-up na ang relasyon nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maraming pasabog si Carla Abellana sa kanyang huling panayam patungkol sa relasyon nila ni Tom Rodriguez.

Nalaman ng KAMI na plano ng Kapuso actress na bago siya umabot ng 35 years old ay meron na siyang pamilya.

Carla Abellana, may ibinunyag tungkol sa relasyon nila ni Tom Rodriguez

Carla Abellana, may ibinunyag tungkol sa relasyon nila ni Tom Rodriguez (Photo: GMA)

Ayon sa PEP, nakausap nila si Carla noong June 28 sa guesting nito sa DZBB 594 radio program na Walang Siyesta.

Nang tanungin siya kung napaguusapan na ba nila ni Tom ang kasal.

"Opo naman, siyempre kasi kahit papa'no ilang years na rin po kami. Hindi naman po talaga maiiwasan na di mapag-usapan. Kaya nga po kayo nag-e-enter into a relationship kasi hindi naman iyan laru-laro. Siyempre may goal po ang bawat isa na, eventually, magtatagal po kayo, na kayo na talaga, na wala nang iba.

"So, napag uusapan na po namin kahit papa'no. May plans na po, pero in terms of date, wala pa po honestly. Pero alam na po namin na hindi na kami bumabata. Pareho na kaming nasa 30-plus, na kumbaga, lahat ng paghahanda ginagawa na po namin—financially, mentally, emotionally... ginagawa na po namin.

"We are doing our best to prepare ourselves na kami na. Once naman po na ikasal na kami, wala naman na pong atrasan, wala na pong bawian. Andun na po kami sa paghahanda, dun sa sine-secure na po namin lahat ng dapat i-secure. Para ready na ready na po talaga kami."

Ready na ba siya maging isang ina?

"Ang mga doctors po, honestly, dahil nga nasa 30s na ako, lagi po silang nagpapaalala na huwag masyadong matanda [magbuntis]. Dahil mas risky para sa isang babae."

Ilang anak ang plano nila ni Tom?

"Ako, honestly, masaya na po ako sa dalawang anak. Magkaroon lang po ako ng dalawang anak, masaya na po ako. Girl and boy ideally. Pero kung ano naman po ang ibigay ni Lord sa amin, siyempre more than enough na yun, basta healthy yung baby. Ang importante ay kayanin ko po and maging healthy yung baby."

Carla Abellana, may ibinunyag tungkol sa relasyon nila ni Tom Rodriguez

Carla Abellana, may ibinunyag tungkol sa relasyon nila ni Tom Rodriguez (Photo: PhilStar)

Binahagi ni Carla ang ideal age sa kanya para lumagay sa tahimik.

"Hopefully, huwag naman po sanang abutin ng 35 na di pa rin po ako nagkakaroon ng family. Kasi mas mahirap na po talaga once you’ve reached 35, risky na po talaga ang pagbubuntis at panganganak. Sana hopefully, mga five years or less than five years, may family na po ako."

Anong klase kaya siyang mommy pag nagkataon?

"Siguro parang istrikto, pero yung istrikto na hindi rin naman nakakatiis. Hahaha! Ganun po kasi ako, e, whether sa pamangkin ko o sa mga alaga kong aso, istrikto po ako, very disciplinarian ang dating. Siguro dahil nakuha ko na rin po yung naging pagpapalaki sa akin ng lola ko. Gusto ko rin po magaya yun.

"Pero dahil mahal mo, hindi mo rin sila matitiis. Yung mga pamangkin ko, mga nai-spoil ko iyang mga iyan. Yung mga aso ko po, kahit bawal sa kanila yung pagkain, napapakain ko po kasi di ko matiis. Strict at disciplinarian ako pero bumibigay din naman."

Ang sagot naman niya kung gaano siya kahanda sa pagkakaroon ng pamilya.

"Siguro ano po, in the near future, definitely. Ibibigay naman po iyan ni Lord sa tamang oras o panahon na gusto Niya. Pero sa ngayon, honestly, mas prina-prioritize ko po yung bahay, yung dream home ko na maipatayo ko po siya. Nandun na ako sa proseso kung saan ko po ipapatayo.

"Tapos once na may sarili na po akong bahay, yung dream home ko, puwede na po akong mag-build ng family. Hopefully, mauna muna yung bahay bago sa family. Pero family, hopefully, in the next five years."

Handa ba siyang i-give up ang career para sa pamilya?

"Kung nagagawa naman po ng iba na pagsabayin yung pag-aartista at pamilya, kakayanin ko rin naman po. Kumbaga, lahat naman po ng nagse-settle down, nagpapakasal, at nagkakaroon ng sariling family, nakikita niyo naman talaga na mas prina-prioritize nila ang family nila.

"Which is dapat naman po, kasi dapat laging family first, family over work. Mas inuuna po talaga ang pamilya. Pero nagagawa naman po ng iba na mag-raise ng family nila and kahit papa'no nakakaarte po sila, lumalabas pa din po sila sa TV at sa mga pelikula. Ganun lang din po, I guess kung ganun ang plan ni Lord para sa akin, kung susuwertehin, maitutuloy ko pa rin yung career ko."

Carla Abellana, may ibinunyag tungkol sa relasyon nila ni Tom Rodriguez

Carla Abellana, may ibinunyag tungkol sa relasyon nila ni Tom Rodriguez (PhilNews)

Carla Angeline Reyes Abellana, better known as Carla Abellana is a Kapuso actress who happens to be the daughter of actor Rey "PJ" Abellana and Rea Reyes. She is also the granddaughter of veteran actress, Delia Razon.

Have you missed our Tricky Questions? Welcome to another episode of our show! Today our “victims” are people of Cubao. It is they who will answer the new set of really tricky questions our team has prepared. A little spoiler: some questions are about famous Italians! So… What about you? Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? Will you be able to give the correct answers to all tricky questions from this episode? Click “Play” to find out!

Filipinos Answer Really Tricky Questions: Who Painted The Mona Lisa? - on Human Meter YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Wendy Valdez asks prayer support for her one-year-old son Seth who is scheduled to undergo hip surgery

Wendy Valdez asks prayer support for her one-year-old son Seth who is scheduled to undergo hip surgery

Wendy Valdez asks prayer support for her one-year-old son Seth who is scheduled to undergo hip surgery
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel