Dating batang lansangan, milyonaryo na ngayon sa Amerika

Dating batang lansangan, milyonaryo na ngayon sa Amerika

- Binahagi ni Fernando Kuehnel ang kanyang karanasan kung paano siya nakaahon sa kahirapan mula noong siya ay bata pa

- Nagtapos siya ng nursing at 'summa cumlaude' sa business administration in Healthcare

- Siya ngayon ay masayang namumuhay sa Amerika bilang clinical scientist sa Novartis at may-akda na ng isang aklat patungkol sa kanyang buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakaka-inspire talaga ang buhay ni Fernando Kuehnel kung saan di niya inaakala na maisasaayos pa ang kanyang buhay, di lang dito sa ating bansa, sa Amerika pa!

Nalaman ng KAMI na 6 na taong gulang pa lang noon si Ferdinand nang inabandona na siya at kanyang mga kapatid ng kanyang mga magulang.

Magpasa-hanggang ngayon ay di na niya nalaman kung bakit ito nagawa ng kanyang ina at ama.

Dahil palaboy na lamang sila sa lansangan, nakuha sila at dinala sa ampunan. Di raw naging madali ang buhay nila roon dahil naranasan nilang ma-bully.

Kaya naman tumakas si Ferdinand at mas pinili na lamang mangalakal upang may pagkakitaan at maitawid ang pang-araw araw na pagkain.

10 taong gulang siya nang umalis sa ampunan ngunit bumalik din siya roon nang malaman na aampunin at dadalhin sa Amerika ang kanyang mga kapatid.

“So, they were gonna be adopted, just the two of them, and then one kid ran away from the orphanage looked for me, he said: Your brothers [are] gonna go and get adopted, so better go back, so I went back… I’m not stupid, right? I came back,” kwento ni Ferdinand.

Nakarating sila sa Amerika ngunit kalaunan ay binalik din sa ampunan hanggang sa ampunins sila ng mga Kuehnel.

Pinag-aral sila ng mga ito at trinato talaga silang parang tunay na mga anak. Nag-aral pa siya ng ESL o English as a Second Language para masanay na magsalita ng wika roon.

Nagtapos siya sa kursong nursing at 'summa cumlaude' pa siya sa kursong business administration in healthcare.

Ngayon, isa na siyang clinical scientist sa Novartis at nakapagsulat pa siya ng libro tungkol sa pakikipagsapalaran niya sa kanyang buhay.

Founder na rin ngayon si Ferdinand ng Kabataan Charity kilala sa tawag na 'K-charity'na naglalayong matulungan ang ibang batang ulila o palaboy na lamang sa lansangan.

Ang lahat ng kinita ng kanyang libro ay mapupunta lahat sa kanyang charity.

Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? Filipinos Answer Really Tricky Questions: Who Painted The Mona Lisa? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Nagbalik na siya! Sofia Andres, muling nagbalik bilang kalaban ng mga Bagani

Nagbalik na siya! Sofia Andres, muling nagbalik bilang kalaban ng mga Bagani

Nagbalik na siya! Sofia Andres, muling nagbalik bilang kalaban ng mga Bagani
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel