Pangulong Rodrigo Duterte, magreresign diumano pag may makakapagpakita sa kanya ng selfie kasama ang Diyos

Pangulong Rodrigo Duterte, magreresign diumano pag may makakapagpakita sa kanya ng selfie kasama ang Diyos

- Nagbantang mag reresign umano ang Pangulong Rodrigo Duterte pag may makakapagpatunay na meron talagang Diyos ng mga tinutukoy niyang sekta

- Kailangan umano may patunay ang taong ito kagaya ng isang litrato kasama ang Diyos

- Handa umano siyang bumaba sa puwesto pag may maipakitang picture sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang talumpati ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na handa siyang bumaba sa puwesto kapag may makapagpatunay na ang Diyos ng Kristiano ay totoo.

Isang tao lang daw ang kailangan ngunit kailangan ay nakapunta siya sa langit at nakausap ang Diyos na tinutukoy nito.

"Kailangan ko isa lang sabihin niya 'mayor utos kasi ng mga ugok diyan sa Simbahan na pumunta akong langit, kausapin ko ang Diyos, meron talaga po. Ito po may picture kami nagdala ako ng selfie,'" ito ang kanyang pahayag sa National Science and Technology Week celebration sa Davao City.

Kahit agad-agad umano ay handa siyang magresign.

"You do that today, one single witness, that there is a guy, a human being was able to talk and to see God. Of the so many billions na dumaan, I just need one. And if there is one, ladies and gentlemen, I will announce my resignation immediately," dagdag pa niya.

Ayon sa ulat ng GMA news, ipinanganak at lumaking Katoliko ang pangulo. Sa kabila ng sinabing naniniwala siyang may isang 'universal being,' kinondena niya ang konsepto ng pagkakaroon ng original sin.

Inakusahan din niya ang simbahan na donasyon ng kanilang miyembro upang mapanatili ang kanilang 'palaces.'

Sinabi ito ng pangulo ilang araw bago ang nakatakdang pakikipag-usap niya sa Catholic Bishops' Conference of the Philippines president Davao Archbishop Romulo Valles sa July 9.

Ito ay upang maayos ang relasyon ng pamahalaan at iba pang sekta na hindi nagustiuhan ang kanyang naging pahayag umano laban sa Kristiyanismo at sa Diyos.

POPULAR: Read more news about Rodrigo Duterte here

Philippine Yoga Tutorial: Add Zen To Your Workout | on BeKami

Yoga for beginners: your intro to yoga is already on BeKami! Were you aware that Crystalle is not only a well-known fitness trainer in the Philippines but also a big fan of yoga? So, if you have already wanted to try yoga, this tutorial is a perfect opportunity to make the first move towards this activity right from your home!

Watching it, you can learn some basic poses and tips.

Source: Kami.com.ph

Related news
Sanggol na wala nang buhay, may saksak ang katawang natagpuan sa basurahan

Sanggol na wala nang buhay, may saksak ang katawang natagpuan sa basurahan

Sanggol na wala nang buhay, may saksak ang katawang natagpuan sa basurahan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel