5 Kontrobersyal na bangayan na kinasangkutan ng mga sikat na personalidad

5 Kontrobersyal na bangayan na kinasangkutan ng mga sikat na personalidad

- Sa init na kompetisyon sa pag-ibig, karera, at laro, minsan nadadala ang mga tao sa bugso ng kanilang emosyon

- Kaya minsan humantong sa sagupaan, away, o sigalot ang mga pangyayari na marahil ay pinagsisihan na ng mga taong kasangkot

- Ito ang limang mga sikat na personalidad sa showbiz at basketball na sumabog at umingay ng husto na pinag-usapan ng husto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Narito ang lima sa mga iilan na kontrobersiyal na awayan na talaga namang umagaw ng atensyon sa news headlines at nakagulat ng maraming tao.

Nakita namin ang listahan sa 'News Feed' na una namang lumabas sa GMA News online.

Kaya ngayon binabalikan ng KAMI ang mga naturang away para kumuha ng mga leksyon o makapulutan ng aral ang hindi kanais-nais na mga pangyayari.

5. Jay R and Borgy Manotoc

Ayon sa balita, nag-away daw ang dalawang hunks na ito sa 'Embassy Bar' sa Taguig noong July 2006.

Ang sinasabi na dahilan ay diumano'y ang pagkausap ng R&B singer na si Jay-R sa girlfriend ni Borgy noong time na iyon na si Ornusa Cadness.

Dagdag pa nito, may kontrobersiya na away din na kinasangkutan ni Borgy sa parehong bar noong April 7 at ayon sa balita, ang nasabing nakaalitan niya ay si Carlo Pardo de Tavera.

Sa ulat pa rin dati ng 'GMA News,' humingi naman daw ng paumanhin si Borgy Manotoc sa away umano sa naturang bar.

4. Matteo Guidicelli at Coco Martin

Hindi yata it malilimutan ng mga tagahanga nila dahil ang away ng dalawa ang talagang naging malaking kontrobersiya at pinag-usapan hindi lang sa loob ng showbiz pati na ng publiko.

Nangyari ang kanilang awayan o suntukan noong Setyembre ng 2011 sa 'Star Magic Ball' party sa Manila Peninsula.

Kalaunan ay isiniwalat sa balita na si Maja Salvador daw ang naging dahilan ng away ng dalawang Kapamilya actors.

3. Albie Casiño and Andi Eigenmann

5 Kontrobersyal na bangayan na kinasasangkutan ng mga sikat na personalidad

Credit: Facebook/Andi Eigenmann Fans

Ayon sa mga alegasyon, inatake daw ng mga kaibigan ni Andi Eigenmann ang dating kasintahan na si Albie Casiño.

Ang mommy naman daw ni Albie na si Rina Casiño ang nag-identify sa mga umatake sa kanyang anak na sina Frank Magalona, Carlos Concepcion, Jeck-Jeck Lacson at Neil Arce.

Nangyari daw ang nasabing insidente sa Fiamma bar sa Makati City noong May ng 2012.

Dineny naman daw ito ni Andi na kasangkot siya sa nangyaring insidente.

2. Jeron Teng, Thomas and Norbert Torres

Nasa headlines kamakailan lang si Jeron Teng, Thomas and Norbert Torres nasaksak sa isang mainit na awayan sa bar malapit sa 'Early Night Club' sa Fort Strip sa Taguig City.

Nangyari ang nasabing bangayan noong June ngayong taon na nagresulta ng pagkahospital ng PBA cagers.

May tatlong malalim na saksak siya at si Thomas daw ay nasugatan sa arm muscles at si Norbert ay nandoon din sa panahon na iyon.

Nakilala din naman daw ang mga attackers na sina Edmar Manalo at Willard Basili.

1. Gilas Pilipinas and Australia Basketball Team

Ang pinakahuli at pinakalatest na bangayan ay ang away na umabot at pinag-usapan ng buong mundo ang bangayan ng Gilas Pilipinas at ang Australia Basketball Team.

Ang nasabing away ay isa sa pinaka-kontrobersyal na away sa larangan ng sports sa Pilipinas.

At sa ibang bahagi, tinanong ng grupo ang mga Pinoy ng mga iilang mga tricky questions at nakaka laughtrip ang nangyari dahil tila napa trick o treat sila sa mga tanong.

Pero higit sa lahat marami din ang natuto.

Tingnan ang video sa baba sa nasabing tanungan.

Watch more HumanMeter videos on YouTube

Source: Kami.com.ph

Related news
Perfume magnate Joel Cruz nagreact sa diumano'y pag-aresto ni Kathy Dupaya

Perfume magnate Joel Cruz nagreact sa diumano'y pag-aresto ni Kathy Dupaya

Perfume magnate Joel Cruz nagreact sa diumano'y pag-aresto ni Kathy Dupaya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel