Suportado ng tatay! Ama ng isang miyembro ng LGBT, buong puso na nagtahi ng rainbow flag para sa anak

Suportado ng tatay! Ama ng isang miyembro ng LGBT, buong puso na nagtahi ng rainbow flag para sa anak

- Proud ang isang netizen na miyembro ng LGBT na ipakita ang larawan ng tatay niya na masayang nagtatahi ng rainbow flag ng kanyang anak

- Gagamitin daw ito ng anak sa graduation na may temang 'pride march' ng LGBT community

- Kinainggitan naman ito ng ilang LGBTQ members at sana daw ay tulad ng ama ni Ryan ang kanilang tatay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagpost ang isang netizen na si Ryan Quimpo ng larawan ng kanyang ama na nananahi.

Nalaman ng KAMI na hindi lang basta ito pananahi dahil para ito sa graduation ni Ryan na may temang 'Pride march' na nakuha sa tema ng mga LGBTQ.

Ayon kay Ryan, nakiusap lamang siya sa tatay niya na pagdikit-dikitin ang iba't-ibang kulay upang makabuo ng rainbow flag.

Walang ano-ano, kumuha ng sinulid at karayom ang kanyang ama at buong puso na ginawa ang bandera na simbolo ng komunidad na kinabibilangan ni Ryan na isang bakla.

Samantala, labis na kinainggitan si Ryan ng ilang netizens na gaya niya dahil sa suporta na ibinibigay ng kanyang ama sa kanya.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

" Sana ganyan din ang tatay ko"

" Buti ka pa, suportado ng tatay mo"

"Ang sweet ni tatay! effort talaga!"

" You go girl! kiss mo daddy mo, napaka-swerte mo sa kanya"

"OMG! best dad ever!"

Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? Filipinos Answer Really Tricky Questions: Who Painted The MONA LISA? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Inalala: 5 Youth Leaders na nagbuwis ng kanilang buhay sa panahon ng Martial Law

Inalala: 5 Youth Leaders na nagbuwis ng kanilang buhay sa panahon ng Martial Law

Inalala: 5 Youth Leaders na nagbuwis ng kanilang buhay sa panahon ng Martial Law
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel