5 Pinay celebrities na sumailalim sa "egg freezing" procedure

5 Pinay celebrities na sumailalim sa "egg freezing" procedure

- Binalita ng 'GMA News Online' ang limang Pinay celebrities na sumailalim sa "egg freezing" procedure para manganak sa kanilang tamang panahon na unang nakita namin sa 'Pilipino Scoop'

- Dahil pinag-usapan natin kani-kanina lang ang tungkol sa prosesong ito na tumutulong sa mga kababaihan upang magkaroon ng anak kung kailan ready na sila

- Napag-alaman namin na meron na ding mga female celebrities sa bansa na umamin at nagbahagi na sumailalim sila sa nasabing procedure

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maraming mga babae na gusto mo nang magfocus sa career at pag-achieve ng kanilang mga pangarap bago pa man sila lumagay sa tahimik.

Subalit alam naman din nila na ang pagbubuntis ay isang masilan na bagay at kalimitan mas mahirap pag may edad na ang babae.

Buti na lang ay mayroon ng mga medical advances na nagbibigay ng tulong at pag-asa sa mga babae na magkaroon ng choice o opsyon.

At ito na nga ang "egg freezing" o sa ibang bansa at mga Hollywood stars ay kilala itong procedure na ito bilang "IVF."

Ito ang 5 Pinay celebrities na sumailalim sa nasabing procedure na napag-alaman ng KAMI.

5. Mich Dulce

Unang nakilala si Mich sa Pinoy Big Brother: Celebrity Edition ng ABS-CBN noong 2006.

Isa sya sa 14 housemates sa nasabing season.

Ibinahagi niya ang pagsailalim sa proseso sa kanyang Instagram account sa IVF hospital sa UZ Brussel sa bansang Belgium, ayon na rin sa geographical location ng kanyang post.

Binahagi din ng Filipina fashion designer at aktres ang kwento tungkol sa kanyang journey sa "egg freezing" sa Preview Magazine.

At isiniwalat din niya ang dahilan kung bakit siya nakadesisyon nito.

Saad niya:

It was something that I really looked into. I was always interested in doing it, but the year I turned 35 I was like ‘You know what, I’m getting older I gotta do it na.’ So I started doing research. I was actually being kuripot about it [at first] and wanted to do egg sharing, which is when you get the process for free but you have to donate half of your eggs. I was looking into doing that, but it turned out that I was too old.”

4. Sam Oh

October 2, 2016 nang nagdesisyon ang Korean TV host na may pusong Pinoy na magdesisyon na sumailalim sa "egg freezing" sa clinic sa Makati.

Ayon pa sa source, ang inspirasyon niya sa desisyong ito ay ang prominent Indian supermodel na si Padma Lakshma.

Sa isang artikulo daw na pinublished ng Preview, sambit ni Sam Oh:

“It was actually a friend’s visit to the clinic (Kato Repro Biotech Center) that prodded me to check it out. My friend is also single and freezing our eggs came up in one of our conversations. When she finally went in for a consultation and told me about it, I decided to go for a consultation myself and ended up getting the process started that day.”

3. Divine Lee

Ayon sa balita, ang TV host at blogger na si Divine Lee ay sumailalim na sa "egg freezing" bago pa man ang kanyang kasal sa asawa na businessman na si Blake Go.

At ito din ay binihagi ni Mich Dulce sa "The Asian Parent Philippines" interview.

Sabi ni Mich:

“I encountered friends who had done it in the US or London. I’m 35. I wish I had done it when I was 30. Divine Lee did it when she was 24.”

Ang litrato sa taas ay ang pagpanganak ni Divine Lee noong Saturday ng May 5 sa taong ito.

2. Cristalle Belo

Inamin naman ng anak ni Dra. Vicky Bello na si Cristalle Belo sa isang Twitter at Instagram post niya na sumailalim siya sa "egg freezing."

Ginawa niya ito umano bago pa man siya ikinasal sa kanyang asawa ngayon at daddy ng kanyang baby na si Justin Pitt.

At inireveal nga niya ang dahilan kung bakit sa IG post sa taas noong June 6, 2015.

1. Aiai Delas Alas

Noong isang taon pa nagpa "egg freezing" si Aiai Delas Alas at ito ay ayon na rin sa sinabi niya sa tanong nga mga press people sa isang media huddle na pinublished sa YouTube noong Sep 26, 2017.

Ginawa ni ng Queen of Comedy ang nasabing procedure bago pa naman siya ikasal sa asawa na niya ngayon na si Gerald Sibayan.

Saad ni Aiai:

“Dati pa, noon pa. So walang problema sa eggs.”

At sa ibang bahagi, tinanong ng grupo ang mga Pinoy ng mga iilang mga tricky questions at nakaka laughtrip ang nangyari dahil tila napa trick o treat sila sa mga tanong.

Pero higit sa lahat marami din ang natuto.

Tingnan ang video sa baba sa nasabing tanungan.

Watch more HumanMeter videos on YouTube

Source: Kami.com.ph

Related news
Lalaking ikakasal na sana, pumanaw dahil sa landslide

Lalaking ikakasal na sana, pumanaw dahil sa landslide

Lalaking ikakasal na sana, pumanaw dahil sa landslide
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel