Netizens, labis na nababahala sa batang namamangkang mag-isa sa pagpasok sa paaralan

Netizens, labis na nababahala sa batang namamangkang mag-isa sa pagpasok sa paaralan

- Nagviral ang larawan ng batang namamangka sa pagpasok niya sa paaralan

- Ikinabahala ito ng ilang netizens na nakakita nito dahil sa posibleng disgrasya na maaring mangyari sa kanya

- Isang posibleng sakit pa gaya ng leptospirosis ang maari niyang makuha sa tubig na kanyang binabaybay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dekada '90 pa lang, bahaing lugar na ang Artex Compound sa Panghulo Malabon.

Nalaman ng KAMI na isang larawan ng batang mag-isang nagsasagwan ang labis na kinabahala ng mga netizen dahil sa pagpasok nito sa paaralan gamit ang balsa.

Ayon sa Philippine star, tinatayang nasa 368 na kaso at 52 na pagkamatay dahil sa sakit na leptospirosis. mula Enero 1 hanggang Hulyo 3.

Ang leptospirosis ay isang uri ng sakit na maaring makuha sa baha na may ihi o dumi ng daga.

Kaya naman nang makita ng mga netizens ang larawan ng mga batang pumapasok sa paaralan sakay ng balsa at binabaybay ang baha sa kanilang lugar, di nila mapigilang mag-alala dahil sa maaring aksidente o sakit na makuha sa ganitong sitwasyon.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Naku, kawawa naman baka sa araw-araw nila na pagpasok e isang araw dun mahulog sila"

"Grabe, hanggang ngayon baha pa rin diyan?"

"Dusa ang mga residente, ano ba yan, pano kung madisgrasya yan?"

"Hala, siya lang mag-isa namamangka? OMG! sobrang delikado"

Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? Filipinos Answer Really Tricky Questions: Who Painted The MONA LISA? | HumanMeter on KAMI youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Inalala: 5 Youth Leaders na nagbuwis ng kanilang buhay sa panahon ng Martial Law

Inalala: 5 Youth Leaders na nagbuwis ng kanilang buhay sa panahon ng Martial Law

Inalala: 5 Youth Leaders na nagbuwis ng kanilang buhay sa panahon ng Martial Law
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel