"Egg freezing," para sa mga kababaihan na gustong i-balance ang career at family dreams

"Egg freezing," para sa mga kababaihan na gustong i-balance ang career at family dreams

- Kung nagfafollow ka sa mga sikat na Hollywood stars na mga babae na nasa late 30s at above ay maririnig mo ito sa kanila

- Dahil ito na ang "in" ngayon para sa mga babae na gustong i-balance ang career at family dreams o mga babae na nakafocus ngayon sa kanilang karera pero gustong magkaanak at magkapamilya later

- Mahirap talaga sa isang career-oriented woman ang pagjajuggle sa kanilang trabaho at buhay pamilya na walang masasakripisyo sa kahit ano sa dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mahirap ang pagtataguyod ng isang pamilya habang tinitiyak ang paglago ng karera, at sa katunayan, ang iba nga ay bumibitaw o binibitawan ang isa dito.

Pero dahil na din sa mga medical advances ngayon, ang mga kababaihan ay nabibigyan na ng maraming options para magplano sa kanilang karera at pagiging ina na walang kinokompromiso na kahit na ano.

Sa balita ng 'ABS-CBN News,' nagbahagi sila ng isang magandang halimbawa kung ano ang ibig nilang sabihin o iparating tungkol sa paksang ito.

Naispatan ng KAMI na ibinigay ng isang laboratoryo ang halimbawa na si Anna Lam na isang 38 years old na career woman.

"Egg freezing," para sa mga kababaihan na gustong i-balance ang career at family dreams

Credit: ABS-CBN News/Life

Dahil nga din sa edad ay pinipressure siya ng mga tao sa paligid niya na mag-umpisa na ng pamilya.

Ngunit sa sandaling ito daw ay hindi ito isang opsyon sa kanya.

Gusto niya na maging isang ina pero wala pa daw siya sa posisyon na mag-asawa pa dahil pinagpatuloy pa niya ang pag-abot ng kanyang mga pangarap at mithiin sa buhay kagaya ng business advancement.

Ayon pa sa kanya:

"I want to be a mother in my own time."

Kaya daw nang marinig niya ang tungkol sa "egg freezing" o "egg cryopreservation" ng 'Victory A.R.T. Laboratory Philippines, Inc,' ang isa sa pioneering fertitlity treatment providers ng bansa ay humingi siya ng tulong sa nasabing laboratoryo.

Ngayon, ang mga babae ay may opsyon na magkaroon ng anak o mga anak sa kanilang tamang panahon.

At ito ay sa pamamagitan ng "egg cryopreservation" o "egg freezing" na nagbibigay ng choice sa babae na magkaroon ng anak kung siya ay ready na.

"Egg freezing," para sa mga kababaihan na gustong i-balance ang career at family dreams

Credit: Facebook/Victory A.R.T. Laboratory Philippines

Ayon pa kay Lam, ang proseso daw ay nakatulong sa kanya para maging confident na ipagpatuloy ang kanyang mga pangarap na magkaroon ng anak na walang pressure sa panahon.

"I love the feeling that I can be a mother at my own time. I am at peace with my decision to freeze my eggs."

Sa video sa baba ay ipinaliwanag ng isa sa mga doktora ng 'Victory A.R.T. Laboratory, Philippines' ang kahulugan at proseso ng nasabing "egg freezing" procedure.

At sa ibang bahagi, tinanong ng grupo ang mga Pinoy ng mga iilang mga tricky questions at nakaka laughtrip ang nangyari dahil tila napa trick o treat sila sa mga tanong.

Pero higit sa lahat marami din ang natuto.

Tingnan ang video sa baba sa nasabing tanungan.

Watch more HumanMeter videos on YouTube

Source: Kami.com.ph

Related news
14-day-old na baby, patay sa pagpapadede raw ng ina na antok na antok na

14-day-old na baby, patay sa pagpapadede raw ng ina na antok na antok na

14-day-old na baby, patay sa pagpapadede raw ng ina na antok na antok na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel