Robin Padilla, umamin na hindi palaging nakakapagbigay ng pera kay Mariel Padilla

Robin Padilla, umamin na hindi palaging nakakapagbigay ng pera kay Mariel Padilla

- Hindi talaga inaasahan ang binunyag ni Robin Padilla patungkol sa pera

- Inamin niya na hindi siya regular na nakakapag-abot ng pera sa asawa niyang si Mariel Padilla

- Pinaliwanag niya kung bakit ito nangyayari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang panayam kay Robin Padilla, isiniwalat niya kung bakit nauubos paminsan ang suweldo niya.

Nalaman ng KAMI na dahil dito ay hindi siya minsan nakakapagbigay ng pera sa asawa niyang si Mariel Padilla.

Sa huling panayam ni Robin sa PUSH, sinabi nitong hindi na niya priority ang showbiz. Sinubukan din daw niya gumawa ng paraan para mabago ang ibang di magandang sistema sa loob ng industriya.

"Hindi ko na priority talaga. Sa totoo lang, kasi ang showbiz kasi hindi siya… Isang sangay siya ng industriya na hindi siya fair. Kahit saan mo tingnan hindi siya fair.

"Yung oras ng trabaho, labor, hindi talaga. Isang bagay siyang conflict sa isang taong may gustong pagbabagong mangyari. Mahirap talaga ang showbiz. Kailangan din siyang baguhin somewhere.

"Yon yung unti-unti kong sino-solve, na baka sakali na pag naayos yung sistema na yon ay ganahan pa akong magtrabaho sa showbiz."

Inamin din niya na nauubos ang kanyang pera kaya naman minsan ay wala na siyang maiabot na pera kay Mariel. Ito ang paliwanag niya kung bakit.

"Kasi ang nangyayari nauubos ako, eh. Yung suweldo ko nauubos, kasi yung nakikita kong injustice binibigay ko na lang sa tao which ako ang nasasakripisyo.

"Meron akong sariling DSWD. Ang mangyayari, tatanungin ako ng asawa ko, asan yung suweldo, eh, ano, eh… ganun, eh.

"Wala tayong magagawa, may humihingi ng tulong. Alangan namang isipin mo pa yung take home pay mo. Kalokohan yon," paliwanag ni Robin.

Si Mariel Rodriguez ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India.

Nagkakilala sila ni Robin sa Wowowee kung saan naging pansamantalang host ang actor. Nanatiling katoliko si Mariel kahit pa naikasal na siya kay Robin na isang Muslim.

This Philippines public prank will leave you laughing in tears! Today, we are going to take selfies with random people in the mall and observe their reactions. Are you ready to have a good laugh? Would you be able to take a selfie with a random person? Some of the strangers from the Philippines were happy to be in the photo while others were confused and surprised. How would you react? Click “Play” and watch these funny reactions right now!

Selfie With Strangers Challenge: The Funniest Reactions Ever - on Human Meter YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University

6 facts! Tungkol sa ika-pito at kauna-unahang babaeng presidente ng Utah Valley University
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel