“Uy, move-on din tayo kapag may time," Grace Lee sa "nakaraan" with PNoy

“Uy, move-on din tayo kapag may time," Grace Lee sa "nakaraan" with PNoy

- Kamakailan lang ang Korean television host and radio disc jockey na si Grace Lee ay napanayam ng mga reporters sa isang press huddle sa pagpirma niya bilang talent ng 'Viva Films'

- Dito ay naitanong sa new Viva talent ang tungkol sa "nakaraan" nila ng dating pangulo ng Pilipinas na si Noynoy Aquino

- Pagkatapos ng isang taon at kalahati sa kanyang hiatus sa TV career niya sa Philippine television ay balik industriya na naman si Grace

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa balita ng 'Abante,' na una naming naispatan sa 'News Feed' website na pagkatapos ng contract signing ng isa sa dating mga hosts ni Willie Revillame sa kanyang show na si Grace Lee ay nagkaroon ito ng media huddle.

Dito tinanong sya ng mga press tungkol sa kontrata nya bilang isang bagong Viva talent/artist at sumigway sa usapang pag-ibig.

Ayon pa sa ulat ni Rosa Garcia, natawa na lang daw ang Korean na pusong Pinoy sa tanong tungkol sa pagka-link niya dati sa kapatid ni Kris Aquino, ang dating Presidente ng bansa na si Noynoy Aquino.

Sambit daw ni Grace:

“Uy, move-on din tayo kapag may time. Six years na ha! Kayo talaga!”

Ayaw umano pag-usapan na ni Grace Lee ang naging kaugnayan niya kay PNoy pero paliwanag naman niya na hindi naman daw kasi sya nakausap ng mga press people noong mga panahon na iyon.

Dahil, ayon pa sa balita ay nagtago raw ang bagong Viva talent sa press at inaya niya ang kanyang kapatid sa Singapore.

Sa tanong naman kung nabulabog ba daw ang mundo niya noon sa pagkaugnay niya kay PNoy, hindi naman ito ikinaali at imbis inamin niya na naapektuhan sya dahil hindi naman daw sya sanay na pinag-uusapan ang private life niya.

Saad pa daw ni Grace Lee:

“Hindi ako sanay na pinag-uusapan ang private life ko. Sanay ako na pinag-uusapan ang ginagawa ko sa TV. Saka hindi ako sanay na front page ako ng tabloids."

Dugtong pa daw nito sa pagpapatuloy ng kanyang pahayag:

“Saka iniisip ko, six years ago, I’m still very young at may mga bagay ngayon na iniisip ko, siguro if I could reacted better. At that time, I’m still immature, e.”

Sa pagtatapos ay sinabi niya na:

“I’m a better person I believe because of what happened.”

At ani pa niya daw

Friendly naman daw sila ni PNoy pero hindi daw masasabi niya na magkaibigan pero okay naman daw sila kahit kung magkita man sila ngayon, ayon pa sa ulat.

Sa huli nang tinanong sya tungkol sa chapter iyon ng buhay niya, ang saad ni Grace Lee ay:

“Fun memories! Fun memories na siya."

Naitanong din sa kanya ang tungkol kay Willie Revillame, panoorin ang sagot niya sa last part ng video sa baba.

Si Grace Lee ay isang Koreana na pinalaki dito sa Pilipinas kaya naman ang puso niya ang Pinoy na Pinoy.

Una siyang nakilala sa telebisyon bago pa man sumikat sa radyo bilang DJ.

Naghost siya kasama si Lucy Torres-Gomez sa show ng QTV channel ng GMA Network na 'The Sweet Life.'

At sa ibang bahagi, tinanong ng grupo ang mga Pinoy ng mga iilang mga tricky questions at nakaka laughtrip ang nangyari dahil tila napa trick o treat sila sa mga tanong.

Pero higit sa lahat marami din ang natuto.

Tingnan ang video sa baba sa nasabing tanungan.

Watch more HumanMeter videos on YouTube

Source: Kami.com.ph

Related news
14-day-old na baby, patay sa pagpapadede raw ng ina na antok na antok na

14-day-old na baby, patay sa pagpapadede raw ng ina na antok na antok na

14-day-old na baby, patay sa pagpapadede raw ng ina na antok na antok na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel