Nurse rapper Fatima Palma, napagalaw ang dating pasyente na may stage 4 cancer dahil sa kanyang pagra-rap

Nurse rapper Fatima Palma, napagalaw ang dating pasyente na may stage 4 cancer dahil sa kanyang pagra-rap

- Nag-viral ang video ng isang nurse kung saan nagra-rap siya para sa kanyang pasyente

- Binahagi ng nurse rapper na si Fatima Palma ang nakakatunaw ng pusong kwento ng kanyang viral video

- Nakiusap siya kung maari sanang huwag nang i-upload ang video, ngunit natuwa ang anak ng dating pasyente at binahagi pa rin ang talento ng nurse

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakatuwang panoorin ang ang isang nurse na nagviral ang video dahil sa galing nito sa pag-ra-rap para sa kanyang pasyente.

Nalaman ng KAMI na nakiusap pa si Nurse Fatima sa kumuha ng video na huwag na lamang iyon i-upload sa takot na baka tanggalin siya sa serbisyo.

Isang pasyente na may stage 4 cancer ang kanyang inawitan sa naturang video. May kamag-anak ang pasyente na marunong mag-beat box kaya naman naki-jam ito kay Nurse Fatima.

Nakakagulat na ang di nakakagalaw na pasyente ay dahan dahang gumalaw na tila ba ay nakikisabay sa indak ng rap ng nurse.

"Napansin po niya [anak ng pasyente] yung daddy niya gumagalaw. Kasi po yung daddy hindi na po gumagalaw yon, isang side lang yon. Nung kumakanta po ako, nakita niya inaangat nung daddy yung katawan niya sa bed. Makikita mo talaga gumagalaw yung daddy," kwento ni nurse Fatima.

Bukod sa pag-rap sa pasyente, labis na natuwa ang mga kamag-anak ng pasyente sa maayos na pag-aalaga ni Nurse Fatima at mga kasamahan nito sa pasyente. Ito rin marahil ang dahilan kumbakit nadugtungan ang buhay nito.

Dagdag pa ni Fatima, alam niyang bawal ito dahil siya ay naka-duty kaya naman pinakiusap niya na huwag nang ilagay pa sa anumang social media ang video.

Sa kasamaang palad, pumanaw ang pasyente at isang buwan matapos ito, muling nabuksan ng anak ng dating pasyente ang video saka niya in-upload ang video. Natuwa sila dahil iyon ang video na huling nakita nilang gumalaw kahit na paano ang kanilang ama.

To me as a nurse, I guess that's everything. That's what music and medicine can do to people," ani Fatima.

Sa ngayon, recording artist na ang nurse rapper at kilala na siya bilang si “MC Fatima Palma-Loo.”

Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? Filipinos Answer Really Tricky Questions: Who Painted The MONA LISA? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Nakakatakot! Babae, iba raw ang 'anino' na nakunan sa larawan habang karga ang kanyang pamangkin

Nakakatakot! Babae, iba raw ang 'anino' na nakunan sa larawan habang karga ang kanyang pamangkin

Nakakatakot! Babae, iba raw ang 'anino' na nakunan sa larawan habang karga ang kanyang pamangkin
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel