Nawindang ang netizens kahapon sa birahan nina Luis Manzano at Alex Gonzaga

Nawindang ang netizens kahapon sa birahan nina Luis Manzano at Alex Gonzaga

- Hindi magkamayaw ang mga fans nina Luis Manzano at Alex Gonzaga kahapon sa kanilang nakakalokang asaran kahapon sa Instagram

- Nagpost ng picture si Alex kasama ang isa sa mga non-showbiz bestfriends nya dahil nagbibirthday ito

- Pero winasak ito ng asar ni Luis at hindi naman nagpaawat ang kapatid ni Toni Gonzaga at bumwelta ng resbak gamit pa ang huli

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Alam ng lahat na ang pagkakaibigan nina Alex Gonzaga at Luis Manzano ay talaga namang walang ka pares.

Sila lang naman siguro sa showbiz friends ang wagas at wasak kung magbiruan o mag-asaran sa isa't isa.

Kaya naman hindi na dapat magulantang o magulat ang mga tagahanga nila o ang ibang netizens kung magbirahan na naman sila ng malupit na asaran.

Pero kahapon ay hindi inexpect ng mga supporters ng dalawa ang nakakalokang lukuhan nila.

Naispatan ng KAMI ang nasabing asaran.

Dahil birthday nga sa isa sa mga matalik na kaibigan ni Alex ay nagshare ito ng picture kahapon sa kanyang IG at may caption na:

"Happy birthday sis!!!!!! I wish you all the happiness in the world! You are our funniest friend lalo sa mga comments mo! Uwi na tama na pagiging Ofw mo! Hehe Love you. (hug emoji) (ps: nagamit ko na din finally pic na to)"

Na sinagot naman ni Luis ng:

"Sana mag stay na siya sa Pinas at ikaw nalang umalis forever."
Nawindang ang netizens kahapon sa birahan nina Luis Manzano at Alex Gonzaga

Credit: Instagram/Alex Gonzaga

Na binweltahan naman naman ni Alex ng isang napakalakas at nakakawindang na reply:

"@luckymanzano sino to??? Ahhhh alala na kita. Ikaw yung binasted ng ate ko"
Nawindang ang netizens kahapon sa birahan nina Luis Manzano at Alex Gonzaga

Credit: Instagram/Alex Gonzaga

Dahil dito ay bumuhos ang comments ng mga followers:

"Eto inaabangan ko lagi sa IG eh. Pag nagsagutan na tong dalawang to laging laugh trip."
"Lodi talaga si Alex. Love you Alex G! (emoji)"
"@cathygonzaga petmalu ng comback mo kay @luckymanzano (laughing emojis)"
"@luckymanzano hahhaha basag!"
"Ito inaabangan ko @syra09 ...sagutan ni Luis at alex bwahahaa ....nakakatawa (emojis)"

Pati ang mommy ni Paul Soriano na si Marissa Soriano ay hindi nakapigilg at napacomment na lang ng:

Nawindang ang netizens kahapon sa birahan nina Luis Manzano at Alex Gonzaga

Credit: Instagram/ Alex Gonzaga

Matatandaan na nanligaw si Luis Manzano sa nakakatandang kapatid ni Alex Gonzaga na si Toni Gonzaga.

Hindi din lingid ng kanilang mga tagahanga na umamin si Luis na nabasted nga ito kay Toni at ilang ulit na ito ginawang katatawanan ng TV host sa kanyang shows.

Nawindang ang netizens kahapon sa birahan nina Luis Manzano at Alex Gonzaga

Credit: ABS-CBN/The Voice

Si Catherine "Cathy" Cruz Gonzaga, o mas kilala bilang Alex Gonzaga, ay ang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga.

Si Mikee Morada, isang businessman, ang kasalukuyang boyfriend ni Alex.

Naging open sila sa kanilang relasyon noong January 2017.

Bukod sa pag-arte at hosting, busy din siya sa kanyang vlog tungkol sa mga makeup tutorials at travel adventures.

At sa ibang bahagi, tinanong ng grupo ang mga Pinoy ng mga iilang mga tricky questions at nakaka laughtrip ang nangyari dahil tila napa trick o treat sila sa mga tanong.

Pero higit sa lahat marami din ang natuto.

Tingnan ang video sa baba sa nasabing tanungan.

Watch more HumanMeter videos on YouTube

Source: Kami.com.ph

Related news
Lalaking ikakasal na sana, pumanaw dahil sa landslide

Lalaking ikakasal na sana, pumanaw dahil sa landslide

Lalaking ikakasal na sana, pumanaw dahil sa landslide
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel