Pinoy waiter sa Riyadh comatose matapos bugbugin sa parking lot, ninakaw cellphone at wallet

Pinoy waiter sa Riyadh comatose matapos bugbugin sa parking lot, ninakaw cellphone at wallet

- Isang Pinoy waiter ang ngayo'y nag-aagaw buhay sa Riyadh dahil sa pambubugbog ng mga Arabong suspek

- Ninakaw daw ang kanyang cellphone at wallet at hinampas siya ng tubo sa ulo

- Ngayon, comatose ang nasabing Pinoy sa isang ospital

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Malubha ang kalagayan ngayon ng isang Pinoy waiter sa Riyadh Saudi Arabia matapos siyang bugbugin ng mga di pa nakikilalang mga suspek sa parking lot.

Nalaman ng KAMI na ang OFW ay si Aljun Andrade at siya diumano ay inatake ng mga suspek na Arabyano.

Dinepensahan ni Aljun ang sarili nang kanilang gustong kunin ang kanyang cellphone at wallet, at dahil dito kaya siya nabugbog at nahampas ng tubo sa ulo ng mga nasabing salarin.

Pinoy waiter sa Riyadh comatose matapos bugbugin sa parking lot, ninakaw cellphone at wallet

Pinoy waiter sa Riyadh comatose matapos bugbugin sa parking lot, ninakaw cellphone at wallet (Photo: abscbn)

Nang mangyari yun kagagaling lang ni Aljun sa isang money transfer station kung saan nagpadala siya ng pera para sa kapatid na naka-confine sa ICU sa Kalibo, Aklan.

Ang masaklap pa, hindi kaagad nadala sa ospital si Aljun. Isang Pilipino ang nakakita sa kanya at nag-decide na tulungan siya.

Ayon sa expatreaders nagkaroon ng hermorrhage si Aljun at nagka-fracture ang bungo.

Sa ulat naman ng ABS-CBN, sinabi ng kapatid ni Andrade na napakabait niya at napakamatulungin sa pamilya.

Nabisita na raw ng representante ng embahada ng Pilipinas si Aljun sa ICU.

Tricky Questions: can you guess who the people on this new 1000 peso bill are? on Kami YouTube channel This video shows that there are only a few people in the country who know exactly who the persons are in our own peso bills.

Source: Kami.com.ph

Related news
Katulong 'di alipin! Sigaw ng netizens sa Kuwaiti star na 'di sang-ayon sa day-off ng Pinay DH

Katulong 'di alipin! Sigaw ng netizens sa Kuwaiti star na 'di sang-ayon sa day-off ng Pinay DH

Katulong 'di alipin! Sigaw ng netizens sa Kuwaiti star na 'di sang-ayon sa day-off ng Pinay DH
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel