June Mar Fajardo, ipinaliwanag kung bakit hindi siya sumali sa rambulan ng Gilas at Australia

June Mar Fajardo, ipinaliwanag kung bakit hindi siya sumali sa rambulan ng Gilas at Australia

- Hindi sumali si June Mar Fajardo sa pakikipag-rambulan sa ng Gilas sa team Australia

- Ipinaliwanag ng player kung bakit siya naging kalmado

- Malaki pala ang role ng kaniyang nanay sa kaniyang magandang ugali

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maraming humanga kay June Mar Fajardo dahil hindi siya nakisali sa rambulan ng team niyang Gilas Pilipinas laban sa Australian Boomers.

Nalaman ng KAMI na nagsalita na si June Mar ukol sa insidente.

Ayon sa interview ng four-time PBA MVP sa ABS-CBN Sports, hindi siya nakipagrambulan dahil lalo lang lalala ang sitwasyon.

Sinabi rin niyang andun ang kaniyang mahal na nanay sa crowd kaya lalo niyang naalala ang turo sa kaniya ng kaniyang mga magulang na lumayo palagi sa gulo.

“Sumali ako dun sure pagsisisihan ko talaga yung gagawin ko. So minabuti kong umiwas na lang kasi mahirap na.

“Tutuusin kung gusto ko makipag-away pwede eh, nandun ako sa gitna pero ayoko ng ganun.

“Isa pa, nandoon yung mama ko. Tumingin nga ako sa mama ko parang, namutla yung mama ko.

“Hindi sa lahat ng bagay pinapairal yun. Kasi yun yung laging nireremind ng parents ko na kung pwede mong iwasan ang gulo, umiwas ka.

“Hindi lahat ng bagay idadaan sa init ng ulo. So kung pwede kang mag walk out sa away mag walk-out ka kasi pag pinatulan mo yung init ng sitwasyon mas lalala lang yung sitwasyon,” sabi ni June Mar.

Sa third quarter naganap ang rambulan, habang lamang ng 31 points ang Australia.

Nang magkaroon ng girian sila Daniel Kickert ng Australia at si Roger Pogoy ng Gilas, nagsimula na ang matinding away.

Iniimbestigahan na ngayon ng FIBA ang nangyaring insidente sa pagitan ng dalawang kupunan.

Have you missed our Tricky Questions? Welcome to another episode of our show! Today our “victims” are people of Kavala. It is they who will answer the new set of really tricky questions our team has prepared. Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? – on KAMI HumanMeter channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Yen Santos, tinawag na superstar ng Hollywood blogger Perez Hilton

Yen Santos, tinawag na superstar ng Hollywood blogger Perez Hilton

Yen Santos, tinawag na superstar ng Hollywood blogger Perez Hilton
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel