Mapapanganga ka sa 700 sq. ft. na high-tech extravagant walk-in closet ng isang babae

Mapapanganga ka sa 700 sq. ft. na high-tech extravagant walk-in closet ng isang babae

- Nakakalula at nakakawindang ang laki, grandioso, at napakahigh-tech na walk-in closet ng isang babae sa Singapore

- Sya si Jamie Chua isang socialite sa nasabing bansa na talaga namang napakamaringal ang pamumuhay at ito nama'y makikita sa luxurious at grandiose walk-in closet nya

- Binahagi ng 'Trends Zilla' ang Facebook video ng pagsilip ng 'Bonkers Closets' sa sikat at maringal ng Singaporean businesswoman

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Likas na sa mga babae ang gusto ang maayos na kagamitan lalo na sa ating sariling lugar o space sa kwarto at metikuloso pagdating sa pag-aayo sa mga damit, sapatos, at kung ano-ano pa pero ang Singaporean socialite na si Jamie Chua ay may iba pang kahulugan sa salitang maayos at metikuloso.

Mawiwindang ka sa napaka marangya, malinis, at sobrang kaayusan ng kanyang walk-in closet na naispatan din ng KAMI sa kanyang social media page.

Sa unang tingin aakalain mo na pumapasok ka sa isang magara na fashion boutique sa Paris o sa London dahil sa sobrang karangyaan ng silid.

Kung sa atin dito sa Pinas ay kontento na tayo sa aparador at mesa ibahan mo si Jamie Chua dahil kumikintab, kumikislap, at nakakasilaw lang naman ang kanyang walk-in closet sa mamahalin at elegante na mga desinyo ng mga materyales na ginamit at magarbong mga bagay sa loob.

Ito ay bukod pa sa mahigit sa 200 na koleksyon nya ng Hermes bags at mahigit sa 300 na magarbong mga sapatos.

Hindi pa kasali ang ilang drawers ng kumikinang na diamond jewelry collection at iba pang mga nakakalula sa mahal na mga bagay ang nasa loob ng grabe sa extravagant walk-in closet ng nasabing Singaporean socialite.

But wait, there's more!

At hindi lang mamahaling door knob ang ginagamit nya sa pagpasok kung hindi isang fingerprint system.

Mapapanganga ka sa 700 sq. ft. na high-tech extravagant walk-in closet ng isang babae

Credit: Facebook/Bonkers Closet

Hindi mo naman sya masisisi dahil sa sobrang mahal ng kanyang kagamitan.

Silipin sa babang video ang kanyang grandiosong walk-in closet.

At sa ibang bahagi, tinanong ng grupo ang mga Pinoy ng mga iilang mga tricky questions at nakaka laughtrip ang nangyari dahil tila napa trick o treat sila sa mga tanong.

Pero higit sa lahat marami din ang natuto.

Tingnan ang video sa baba sa nasabing tanungan.

Watch more HumanMeter videos on YouTube

Source: Kami.com.ph

Related news
Wendy Valdez asks prayer support for her one-year-old son Seth who is scheduled to undergo hip surgery

Wendy Valdez asks prayer support for her one-year-old son Seth who is scheduled to undergo hip surgery

Wendy Valdez asks prayer support for her one-year-old son Seth who is scheduled to undergo hip surgery
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel