Rica Peralejo, may mensahe para sa mga babaeng hirap magbuntis

Rica Peralejo, may mensahe para sa mga babaeng hirap magbuntis

- Nagbigay inspirasyon ang dating aktres na si Rica Peralejo sa mga babaeng hirap magbuntis

- Ibinahagi niyang dalawang beses siyang nakunan

- Gayunpaman, may dahilan ang lahat ng nangyayari ayon sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagbigay ng mensahe ang dating aktres na ngayon ay blogger na na si Rica Peralejo sa mga kababaihan na kagaya niya ay nahihirapang mabuntis.

Ibinahagi ni Rica ang kanyang pinagdaanan sa kanyang inupload na YouTube video. Ayon sa kanya, komunsulta siya sa espesyalista upang matulungan siya.

Ayon pa sa kanya, handa na siyang subukang magbuntis muli.

Aminado siyang may alinlangan siya dahil sa naging karanasan niya, "I come from a history of two miscarriages."

"Of course, when you've had that kind of experience, medyo mas may hesitation ka na... And those who have experienced it before will also understand how I feel."

Naiintindihan diumano niya ang nararamdaman ng kagaya niyang hirap magbuntis ngunit lahat daw ay magiging maayos din.

"We may not understand everything right now. But because I believe that God is good, I know that whatever happens to me from this point on -- or even back then -- is not out of his sovereignty, is not out of his control," she said.

Nagbigay siya ng mensahe sa kagaya niyang umasa at nabigo.

"Para sa mga katulad ko na umaasa at nabibigo, for the moms who have been hoping to have kids at may mga heartaches... I'm with you. I empathize. I understand," she added. "And yes, I understand na magastos para sa mga katulad natin ang ganitong kondisyon... but like I said, everything by faith."

Iniwan ni Rica ang pag-aartista upang matutukan ang kanyang pamilya.Biniyayaan sila ng kanyang asawang si pastor Joseph Bonifacio ng isang anak na lalaki na pinangalanan nilang si Philip.

Philippine Yoga Tutorial: Add Zen To Your Workout | on BeKami

Yoga for beginners: your intro to yoga is already on BeKami! Were you aware that Crystalle is not only a well-known fitness trainer in the Philippines but also a big fan of yoga? So, if you have already wanted to try yoga, this tutorial is a perfect opportunity to make the first move towards this activity right from your home!

Watching it, you can learn some basic poses and tips.

Source: Kami.com.ph

Related news
Perfume magnate Joel Cruz nagreact sa diumano'y pag-aresto ni Kathy Dupaya

Perfume magnate Joel Cruz nagreact sa diumano'y pag-aresto ni Kathy Dupaya

Perfume magnate Joel Cruz nagreact sa diumano'y pag-aresto ni Kathy Dupaya
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel