Hindi daw kawalan ng ABS-CBN ang hindi pagkapili kay Maine Mendoza sa PBB

Hindi daw kawalan ng ABS-CBN ang hindi pagkapili kay Maine Mendoza sa PBB

- Kamakailan lang ay nagtrending ang throwback video kung saan isiniwalat na nag-audition pala si Minggay sa PBB pero hindi sya napili

- Sa pagsagot ni Direk Lauren Dyogi sa mga haka-haka at pagduda na scripted daw ang nasabing reality TV show ay nabanggit din ang pagsali ni Maine Mendoza sa audition

- Dito ay nireveal nya na talagang kapalaran ni Maine na maging Kapuso pero hindi naman daw ito kawalan ng Kapamilya ang hindi pagpili sa Dabarkad ng Eat Bulaga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pagkatapos nga ng labintatlong taon o 13 years ay meron pa ring iilan na mga tao na nagduda sa pagiging tunay ng reality TV show ng ABS-CBN ang Pinoy Big Brother.

Sinagot ng dating business unit head ng nasabing programa na si Direk Lauren Dyogi ay sinagot ito sa kanyang vlog sa YouTube channel niya na naupload noong July 3.

At diretso nya na sinagot ang naniniwala na scripted ang show.

Nakita ng KAMI ang nasabing video kung saan sinabi niya din ang pag-audition ni Maine Mendonza noong PBB:737 sa 2015 edition kung saan si Miho Nishida at Jimboy Martin ang dineklarang nanalo.

Inamin din naman nya:

"Nanghinayang ako kay Maine pero without Alden, we don't know if Maine will work sa PBB lang."

Dagdag pa ni Direk Lauren:

"E, nag-work yung Maine and Alden sa Eat Bulaga."

Dahil ngayon ay isang sikat na artista na si Maine dahil na din sa pagkapareha niya kay Alden Richards na bongga naman talagang sumikat, naniniwala si Direk Lauren Dyogi na destiny na talaga ni Maine ang mameet ang Kapuso aktor.

Ayon pa sa kanya:

"Yun ang kapalaran niya. Hindi yun kawalan sa amin."

Pag-aamin pa din nya na:

"Hindi talaga kami ang tamang paraan para sa kasikatan niya."

Pero isa ang sigurado talaga si Direk Lauren at ito ay talagang masaya sya sa success ni Minggay.

"I'm very, very happy for Maine."

Tingnan ang video sa baba sa timestamp na 13:57 kung saan sinabi ito ni Direk Lauren Dyogi.

Unang naispatan namin ang kwento sa PEP.

Si Maine Mendoza ay isa sa mga pinaka-popular na mga aktres sa showbiz.

Isa siya sa mga primerang talent ng GMA.

Ipinanganak siyang si Nicomaine Dei Capili Mendoza.

Naging sikat na vlogger si Maine dahil sa mga mabenta niyang Dubsmash videos.

Nag-level up nang husto ang kasikatan niya dahil sa role niya bilang si Yaya Dub sa Eat Bulaga at nang maging parte siya ng Aldub love team kasama si Alden Richards.

POPULAR: Read more news about Maine Mendoza here

At sa ibang bahagi, tinanong ng grupo ang mga Pinoy ng mga iilang mga tricky questions at nakaka laughtrip ang nangyari at marami din ang natuto.

Tingnan ang video sa baba sa nasabing tanungan.

Watch more HumanMeter YouTube videos here

Source: Kami.com.ph

Related news
Say cheese! 6 Cutiepies ng mga sikat na nakakagigil ang happy smile

Say cheese! 6 Cutiepies ng mga sikat na nakakagigil ang happy smile

Say cheese! 6 Cutiepies ng mga sikat na nakakagigil ang happy smile
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel