Coco Martin isiniwalat ang dahilan kung bakit napupusuang makatrabaho si Maine Mendoza

Coco Martin isiniwalat ang dahilan kung bakit napupusuang makatrabaho si Maine Mendoza

- Magtatandem si Coco Martin at Vic Sotto para sa Metro Manila Film Festival ngayong taon

- Sa interview inamin niyang matagal na niyang nais makatrabaho si Boss Vic

- Hindi lang pala si Bossing ang nais ni Coco na makatrabaho kundi pati na si Maine Mendoza

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ang pelikula na pagbibidahan ni Coco Martin at Vic Sotto ay isa sa mga entries sa MMFF 2018.

Nalaman ng KAMI na pangarap na daw ni Coco na makatrabaho si Vic Sotto. Sabi pa niya akala raw niya nung una ay hindi tatanggapin ni Bossing ang alok niya.

May mga unang lumabas na balita na si Coco rin daw ang magdi-direct ng pelikula, kaya lang sabi niya hindi nga raw kasi may hinahandle pa siyang "Ang Probinsiyano."

Pero dagdag ni Coco na siya ang sa creative at nang tinanong siya kung si Maine ang leading lady, hindi kinonfirm ni Coco.

Sabi niya binubuo pa nila yung cast, pero may inamin siya tungkol kay Maine.

"Isa siya sa mga pinapangarap kong makatrabaho as in dati pa.

"Feeling ko pareho kaming masa. Kasi nanonood rin ako ng mga ginagawa nila," sabi ni Coco.

Sabi ni Coco, sana raw mapagbigyan na maging leading lady niya si Maine Mendoza.

Sa kung nakausap na nila ang kampo ni maine tungkol dito, sabi ni Coco ay hindi pa raw.

Si Coco Martin ay isa sa mga most well-respected na mga aktor sa Pinas ngayon.

Isa na rin siyang direktor ng pelikula ang ng teleserye.

Tricky Questions: can you guess who the people on this new 1000 peso bill are? on Kami YouTube channel This video shows that there are only a few people in the country who know exactly who the persons are in our own peso bills.

Source: Kami.com.ph

Related news
Wendy Valdez asks prayer support for her one-year-old son Seth who is scheduled to undergo hip surgery

Wendy Valdez asks prayer support for her one-year-old son Seth who is scheduled to undergo hip surgery

Wendy Valdez asks prayer support for her one-year-old son Seth who is scheduled to undergo hip surgery
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel