Netizens, galit na galit sa driver na nakabundol sa matandang ice cream vendor at di manlang ito tinulungan

Netizens, galit na galit sa driver na nakabundol sa matandang ice cream vendor at di manlang ito tinulungan

- Binahagi ng isang facebook user na si Efryl Geronimo ang nasaksihan niyang pag-iwan ng nakabundol na sasakyan sa matandang ice cream vendor

- Nag-overtake daw diumano ang sasakyan at doon nabundol at nahulg sa kanal ang matanda at nasira pa ang kariton ng ice cream nito

- Labis itong ikinagalit ng mga netizen at nais mabigyan ng karampatang parusa ang gumawa nito sa matanda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakadurog talaga ng puso ang sinapit ng matandang ice cream vendor na nakilalang si Picanor Alisod Jr.

Nalaman ng KAMI na biktima siya ng hit and run kung saan habang naglalakad at naglalako siya ng paninda niyang ice cream nang biglang nag-overtake ang isang sasakyan at nahagip ang matanda.

Ito ang dahilan ng pagkahulog sa kanal ng ice cream vendor at pagkasira ng lagayan ng kanyang panindang ice cream.

Umaga raw nang nangyari ito at para sa netizen na si Efryl Geronimo na nagbahagi ng nasaksihan niyang pangyayari, imposible na salaki ng sinusudlong na ice cream cart ni Lolo Picanor ay di niya ito nakita.

Marami rin daw ang nakasaksi sa nangyari at nagawa pang makuha ni Efryl ang plate number ng sasakyan bagaman di siya sigurado.

Nagtamo ng sugat ang matanda at nadala naman siya sa ospital.

Samantala, nagngingitngit naman sa galit ang mga netizens na nakabasa ng pangyayari at nais nilang makarma at maturuan ng leksyon ang nakagawa nito sa matanda.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"kawawa naman si Lolo nagsusumikap para lang may maiuwe sa pamilya at makain sa araw-araw tapos ganito pa mangyayari. Kung sino man po nakasagi kay Lolo sana naman po tulungan nyo siya . Hindi biro yung gingawa nya naghahanap buhay ng marangal kahit mainit ang panahon na hindi iniinda ang pagod makatulong lang sa pamilya . Sana may mga magagandang loob pa na tumulong kay Lolo "

"napaka walang puso mu kng sino.ka man may tatay ka nmn sana"

"Bwesit na Gago! Walang puso! Ma karma sana!"

"kawawa man ni lolo. Lintek na driver, ang karma yada lang."

"How cruel is that driver whoever he is. Ni hndi man lang sya naawa kay lolo"

Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? Filipinos Answer Really Tricky Questions: Who Painted The MONA LISA? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Nagbalik na siya! Sofia Andres, muling nagbalik bilang kalaban ng mga Bagani

Nagbalik na siya! Sofia Andres, muling nagbalik bilang kalaban ng mga Bagani

Nagbalik na siya! Sofia Andres, muling nagbalik bilang kalaban ng mga Bagani
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel