Misteryosong ilog sa Surigao del Sur! ipinagbabawal ang pagligo pagsapit ng alas dose

Misteryosong ilog sa Surigao del Sur! ipinagbabawal ang pagligo pagsapit ng alas dose

- Isang misteryosong ilog kung maituturing ang Hinatuan Enchanted River dahil sa taglay na ganda ng linaw ng tubig

- Taong 2014 nagsimulang mapukaw nito ang atensyon ng mga tao kung kaya't dinadayo ito ng mga turista

- Marami namang mga kuro-kuro at kwento ang bumabalot sa ilog na ito base sa mga naninirahan doon

Hinatuan Enchanted River ang tawag sa misteryosong ilog sa Surigao del Sur. Una nitong napukaw ang atensyon ng mga tao noong taong 2014. Ito daw kasi ay may hindi kapani-paniwalang ilusyon ng lalim. Simula nito ay hindi na tumigil ang pagdayo ng iba’t-ibang mga turista.

Ang Enchanted River ay may haba ng 600 meters mula sa baybay-dagat ng Hinatuan Bay at umaagos papuntang Philippine Sea.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Napakalinis ng tubig nito kung kaya naman ay kitang-kita ang kailaliman ng ilog. Mayroon na ding mga diver ang sumubok na sisirin ang ilalim ngunit hindi sila nagtagumpay.

Isa sa mga misteryoso ng ilog na ito ay ang pagbawal sa pagligo ng mga tao pagsapit ng alas dose. Ito pala ay dahil pinapakain ng mga tagapangalaga ng ilog ang mga isda na kung saan ipinapatugtog ang hymn of Hinatuan at doon makikitang unti-unting lalabas ang mga isda. Matapos ang feeding time ay bigla naman silang mawawala muli.

Ayon sa mga alamat, may mga engkanto ang pumapalibot sa ilog tuwing gabi kung kaya’t hindi pinapayagang maligo ang sino man pagsapit ng alas singko ng hapon. May mga kwento-kwento din na may nakakita doong 2 babae na may mahabang buhok at naliligo sa ilalim ng buwan. Agam-agam na ito ay mga sirena ngunit ang mga ito ay mga kuro-kuro lamang.

Ang Surigao del Sur ay isang probinsya na nasa Caraga region ng Mindanao. Ang capital nito ay ang Tandag City. Ito ay nasa Silangang bahagi ng Mindanao at nakaharap sa Philippine Sea.

Today our “victims” are people of Kavala. It is they who will answer the new set of really tricky questions our team has prepared. A little spoiler: some questions are about famous Italians! So… What about you? Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? Will you be able to give the correct answers to all tricky questions from this episode?Click “Play” to find out! - on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Tatlong pamilya, nagtitiis tumira sa tabi mismo ng kulungan ng baboy

Tatlong pamilya, nagtitiis tumira sa tabi mismo ng kulungan ng baboy

Tatlong pamilya, nagtitiis tumira sa tabi mismo ng kulungan ng baboy
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel