Sweet naman! Taxi driver, namimigay ng roses sa kanyang mga pasahero pampa-good vibes

Sweet naman! Taxi driver, namimigay ng roses sa kanyang mga pasahero pampa-good vibes

- Nasurpresa ang pasahero na si Criss Subang nang makasakay siya ng taxi na puno ng petals ng roses

- Mas nagulat pa si Criss nang bigyan pa siya ng driver nito lalo na sa panahon ngayong marami na ang kwento nang di magandang karanasan sa taxi

- Nais ipabatid ni Criss na safe parin namang mag-taxi at may mga natitira pang mga mababait na taxi drivers na walang ibang hangad kundi ang magserbisyo ng tapat sa kanilang pasahero

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Good vibes ang post ng netizen na si Criss Subang nang binahagi niya ang kwento ng kanyang karanasan nang muli siyang sumakay sa ordinaryong taxi.

Nalaman ng KAMI na magbu-book na sana ng Grab si Criss nang bigla niyang napansin na walang pila ang taxi lane.

Nagtaka siya dahil sa oras na inaasahan niyang mahaba na ang pila roon, may taxi nga ngunit anim na tao lang ang nakapila. Tinanong pa niya kung talagang yun lang ang nakapila sa taxi lane at nagulat siyang grabcar pa rin pala ang kanilang hinihintay.

Kaya naman nagdesisyon na lamang siya na magtaxi na lang talaga.

Pagsakay pa lang niya, laking gulat niya na puro petals ang sasakyan. Nang tatanungin na niya ang driver, bigla na lamang ito nag-abot ng rose kay Criss kaya naman di na siya nakapagsalita. Ngumiti na lamang siya at nagpasalamat.

Ang mas nakakagulat pa, araw araw daw itong ginagawa ng driver na nakilalang si Greg Laude. Bumibili talaga siya ng 30 hanggang 50 na roses araw-araw. Sabi niya, ginagawa niya ito para maitaas naman ang imahe ng mga ordinaryong taxi.

Ayon pa kay Greg, di raw matutumbasan ng halaga ng mga roses na binibili niya araw-araw ang saya na naibibigay niya sa mga pasahero at ang kanilang pakiramdam na maluwag sa pakiramdam nila ang pagsakay sa taxi.

Labis naman itong kinatuwa ng mga netizens na nakabasa ng ng post na ito ni Criss.

"I guess we need this kinda lovin' in this world of chaos."

"This is so nice, Chippy. Faith in humanity restored."

"Goodness in humanity"

" it’s so inspiring to hear about “small acts” like this that expounds to hundredfold of goodness and happiness. A reminder to all of us to keep on doing that small good thing until we slowly spread out that nice feeling around."

"How sweet it is.... Slow clap para kay manong taxi driver!"

Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? Filipinos Answer Really Tricky Questions: Who Painted The MONA LISA? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak

Mister, di pa maiuwi ang bangkay ng misis at di pa maipakita sa kanilang anak
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel