Netizens, galit sa magulang ng batang nasa viral na larawan na naka-bag lang ng kahon sa eskwela

Netizens, galit sa magulang ng batang nasa viral na larawan na naka-bag lang ng kahon sa eskwela

- Maraming netizens ang naawa sa batang nakabag lang ng kahon sa pagpasok sa eskwela

- Ngunit mas maraming netizens ang nakaramdam ng pagkamuhi sa magulang nito na hinayaan ang bata na pumasok ng ganun lamang ang bag

- Ayon sa post, mas dapat pang hangaan ang bata sa determinasyon nitong pumasok sa paaralan kahit pa kahon lamang ang kanyang bag

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ngayon ang larawan na binahagi ng Deped Tambayan kung saan isang batang lalaki ang naka-bag lamang ng kahon

Nalaman ng KAMI na binahagi ito upang ipakita na wala sa materyal na bagay ang halaga ng pagpasok sa paaralan kundi sa determinasyon ng isang mag-aaral na makapag-aral.

Umani ang post ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens at karamihan dito ay nakaramdam ng galit sa magulang ng bata.

"Dami ukay ukay na bag mas di kalidad at mura bat yan pa binigay ng magulang. Dito sa amin limang piso may bag ka na ukay ukay nga lang"

"Kung sya lang mag isa may katwiran dahil wala pang muwang pero kung may magulang,dyos ko anong klasing utak mayron yan magulang na yan maraming paraan para di magmukhang kawawa ang yung anak."

Ang ibang netizens naman ay nais malaman ang mismong lugar ng bata upang makapagpaabot ng tulong.

"Saan to?sa pinas po ba to?"

"Saan pong school tong batang to ako n magbigay ng gamit nya"

"Saddđddd naman oi...saan ito..?"

Samantala, ang ilan naman sa nakakita ng larawan ay walang hinangad kundi ang kabutihan para sa bata. Labis din nila itong hinangaan dahil sa di ito ikinahiya ang sitwasyon niya kahit kahon lang ang kanyang bag.

"ok ka bata, sna swertihin ka sa buhay c lord na bahala syo."

" yung mga tulad ni boy ang mga pinagpapala.. Godbless little boy."

"I love yo...very smart, little boy. contact me asap. just m me your name and contact number. God keep you in His hands."

"God bless this people Kahit Wala pursigidong mag Aral"

Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? Filipinos Answer Really Tricky Questions: Who Painted The MONA LISA? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Inalala: 5 Youth Leaders na nagbuwis ng kanilang buhay sa panahon ng Martial Law

Inalala: 5 Youth Leaders na nagbuwis ng kanilang buhay sa panahon ng Martial Law

Inalala: 5 Youth Leaders na nagbuwis ng kanilang buhay sa panahon ng Martial Law
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel