Superhero konduktor? Isang bata ang nailigtas ng bus conductor mula sa pagkatangay

Superhero konduktor? Isang bata ang nailigtas ng bus conductor mula sa pagkatangay

- Ika pa nila "not all heroes wear capes," at sa pagkakataong ito ay tila totoo ang nasabing kasabihan dahil sa pagkasalba ng isang bata mula sa pagkatangay ng isang babae

- Ang bus conductor ay nakilala bilang si Jun Jun Isaga, at ayon sa kanya, mga alas otso sa may Alabang ay sumakay ang isang babae na tila wala sa matinong pag-iisip na bitbit ang isang batang nakadiaper lang

- Kinutuban daw si Jun Jun na hindi ito ang ina ng bata kaya tinanong nya ito at iba-iba daw ang sagot pero kalaunan ay nabawi nya ang bata at dinala sa police precinct

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon nga sa balita ng 24 Oras, tinurn-over ang isang taong gulang na bata sa QCPD 4 SWCPD ng konduktor sa bus na si Jun Jun Isaga.

Pasalaysay niya ay mga alas otso daw ng gabi sa may Alabang, isang babae daw na tila wala sa tamang pag-iisip ang sumukay ng bus na may bitbit na bata na naka diaper lang.

Napag-alaman ng KAMI, ayon na din sa ulat, na kinutuban daw ang konduktor na hindi siya ang ina ng bata dahil nang tinanong niya ito ay sinabi daw nito na sa ina nya dadalhin ang bata.

Ngunit kalaunan ay sinabi sa ama naman nya daw ito dadalhin.

Kinausap umano ni Jun Jun ang babae at mabuti na lang na napapayag nya na makuha ang bata.

Bumaba daw ang babae sa Cubao at dinala daw nya ang bata sa garahe at tinurover ang bata sa QCPD.

Mga 2 a.m. dumating ang mga tunay na magulang na sina AJ at Jira Corpuz.

At ayon sa huli, galing sila sa trabaho at iniwan daw ang bata sa kaibigang babae na may depresyon.

Sa pamamagitan ng social media ay napag-alaman nila kung nasaan na ang kanilang anak.

Unang naispatan namin ang kwento nashinare ng Trending News Portal sa kanilang Facebook page.

At sa ibang bahagi, tinanong ng grupo ang mga Pinoy ng mga iilang mga tricky questions at nakaka laughtrip ang nangyari at marami din ang natuto.

Tingnan ang video sa baba sa nasabing tanungan.

Watch more HumanMeter YouTube videos here

Source: Kami.com.ph

Related news
Nagbalik na siya! Sofia Andres, muling nagbalik bilang kalaban ng mga Bagani

Nagbalik na siya! Sofia Andres, muling nagbalik bilang kalaban ng mga Bagani

Nagbalik na siya! Sofia Andres, muling nagbalik bilang kalaban ng mga Bagani
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel