Hollywood star Zac Efron, taga-picture lang nina Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao

Hollywood star Zac Efron, taga-picture lang nina Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao

- Binahagi ng dating Pinoy Big brother housemate Wil Dasovish at cosplayer na si Alodia Gosiengfiao ang larawan nila na kuha daw ng hollywood actor na si Zac Efron

- Naka-tag ang larawan ni Wil at girlfriend na si Alodia kay Zac Efron kaya naman na-intriga ang kanyang mga followers

- Sinasabing tropa daw ni Wil ang kapatid ng 'High School Musical star' kaya naman di malayong ito nga ang kumuha ng larawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagulantang ang mga followers ng cancer survivor at dating PBB housemate na si Wil Dasovich at girlfriend niyang si Alodia Gosiengfiao nang napansin nilang naka-tag ang hollywood actor na si Zac Efron.

Nalaman ng KAMI na nagpost si Wil ng larawan nila ni Alodia na 'nagre-relax' sa isang beach sa Los Angeles, California.

"Relax, reset, and give retrospect to the long journey that has brought you to where you are today. Time off is the only way to truly maximize introspection and understand your limits, capabilities, and what you really want to accomplish. Im well rested and almost fully recovered with the invigorating news of being cleared from my scans! I feel alive and ready to get back to the grind and begin the next adventure LETS GOOOO!! To all of my viewers, what type content do you wish to see for the months ahead? @zacefron," ang caption ni Wil sa larawan nila ni Alodia.

Kaya naman ang ilan ay nagtaka bakit naka-tag si Zac Efron sa post na ito ng vlogger.

Nasagot naman ang mga espekulasyon ng koneksyon ni Wil kay Zac. Sinasabing tropa pala ni Wil ang kapatid ng 'high school musical star' na si Dylan Efron.

Binahagi din ni Wil sa kanyang instagram stories ang selfie nila ni Dylan habang papalapit sila sa California beach habang sakay ng scooter.

Habang ang magkapatid na sina Zac at Dylan ay may kanya kanyang post din sa kanilang instagram na pareho silang nasa California Beach. Nangangahulugan lamang na marahil magkakasama sina Wil at Alodia at si Zac Efron at kapatid nitong si Dylan.

Sumikat si Zac Efron sa 'High School musical'.

Mula noon ay sunod sunod na ang kanyang mga proyekto sa hollywood.

Ang pinakahuling pelikulang ginawa niya ay ang blockbuster movie musical na 'The Greatest Showman'

Are you smarter than these people we’ve met in the streets of the Philippines? Filipinos Answer Really Tricky Questions: Who Painted The MONA LISA? | HumanMeter on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Nakakatakot! Babae, iba raw ang 'anino' na nakunan sa larawan habang karga ang kanyang pamangkin

Nakakatakot! Babae, iba raw ang 'anino' na nakunan sa larawan habang karga ang kanyang pamangkin

Nakakatakot! Babae, iba raw ang 'anino' na nakunan sa larawan habang karga ang kanyang pamangkin
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel