Lahat ng prepaid load ng Globe valid na hanggang isang taon!

Lahat ng prepaid load ng Globe valid na hanggang isang taon!

- Isang good news naman para sa mga Globe subscribers nating mga Pilipino, ayon sa balita na unang nakuha namin sa ABS CBN News online ay lahat ng prepaid load ng inyong Globe sim card ay valid na hanggang isang taon

- Ang balita namang ito ay opisyal na pinalabas ng Globe sa kanilang newsroom website portion at itinweet din nila ito sa official Twitter account nila

- January 6, ipinatupad na ng service provider ang 1-year validity ng prepaid load para sa 300 at pataas pero ngayon, July 5, epektibo na pati ang load na mababa sa nasabing halaga ay valid na din hanggang isang taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inihayag nga ng Globe Telecom kani-kanina lang, July 5, at 9:40 AM sa opisyal statement sa kanilang website na magsasaya ang mga Pinoy na subscribers nila ng prepaid load dahil ngayon ay hindi lang 300 pesos at pataas na load ang pwede pang gamitin hanggang isang taon.

Ngayon, pati ang mga prepaid subscribers ng Globe na may mababa pa sa 300 pesos na load na hindi naman masyadong gumagamit sa load nila ay magsasaya lalo dahil valid na din hanggang isang taon ang nasabing mga halaga ng load.

Naispatan nga ng KAMI ang nasabing official statement ng Globe Telecom, at ito ang bahagi sa kanilang opisyal na pahayag tungkol sa 1 year validity ng lahat ng prepaid load ng kanilang subscribers.

"Effective July 5, 2018, all Globe prepaid load, including those with denominations below 300 pesos, will carry a one year expiration period. It was on January 6 when Globe and other carriers started implementing the one year expiration period for prepaid load worth 300 pesos and above."

Ito daw ay alinsunod sa Memorandum Circular (MC) No. 05-12-2017 issued jointly by the National Telecommunications Commission (NTC), Department of Information and Communications Technology (DICT), and Department of Trade and Industry (DTI), na ma-extend ang validity ng validity ng lahat ng prepaid load sa isang taon.

At sa ibang bahagi, tinanong ng grupo ang mga Pinoy ng mga iilang mga tricky questions at nakaka laughtrip ang nangyari at marami din ang natuto.

Tingnan ang video sa baba sa nasabing tanungan.

Watch more HumanMeter YouTube videos here

Source: Kami.com.ph

Related news
Lalaking ikakasal na sana, pumanaw dahil sa landslide

Lalaking ikakasal na sana, pumanaw dahil sa landslide

Lalaking ikakasal na sana, pumanaw dahil sa landslide
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel