Isang pisong dagdag! P9 pasahe sa jeepney, epektibo ngayong July 5

Isang pisong dagdag! P9 pasahe sa jeepney, epektibo ngayong July 5

- Ayon nga sa balita na binahagi ng Rappler, siyam na piso na ang pasahe para sa unang apat na kilometro na biyahe

- Pinayagan na nga ng gobyerno ang isang piso na dagdag sa mga pampublikong utility jeepneys sa tatlong rehiyon

- Starting afternoon of Thursday, July 5, ang jeepney drivers sa Metro Manila, Central Luzon, at Calabarzon ay magsisingil na ng pinakamababang pamasahe na P9 mula sa kasalukuyang P8

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa balita na nakuha ng KAMI kani-kanina lang, ang 'Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB' ay inaprubahan noong Miyerkules ng gabi, July 4, ang isang pisong pansamantalang taas ng pasahe para sa unang apat na kilometro na biyahe.

Ang provisional fare increase sa minimum fare sa Public Utility Jeepneys o PUJs na ito ay epektibo sa 3 regions na kinabibilangan ng Metro Manila, Central Luzon, at Calabarzon.

Saad pa sa balita na sinabi daw ni LTFRB Board Member Aileen Lizada sa mga reporters noong Miyerkules na maaaring ipatupad ang pagtaas ng pamasahe kapag ang isang opisyal na order ay inilabas na.

Ani ni Lizada:

"Dapat lumabas ang order (The order should be out first) before the same can be implemented."

Matatandaan na ang mga PUJ drivers at operators ay nagfiled ng petisyon noong Setyembre ng 2017 na humingi sa LTFRB na magtaas ng minimum fare sa P10 dahil daw sa mas mataas na presyo ng gasolina.

Gumawa naman ng labindalawang pagdinig ang LTFRB tungkol sa petisyon na pagtaas ng pasahe bago pa man umabot sa desisyon noong Miyerkules, July 4, ng gabi.

Ipinahayag din ito ng LTFRB Chairman Martin Delgra III sa mga reporters.

At sa ibang bahagi, tinanong ng grupo ang mga Pinoy ng mga iilang mga tricky questions at nakaka laughtrip ang nangyari at marami din ang natuto.

Tingnan ang video sa baba sa nasabing tanungan.

Watch more HumanMeter YouTube videos here

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens umalma sa pagdadala ni Heart Evangelista ng liquid sa hand-carry sa loob ng eroplano

Netizens umalma sa pagdadala ni Heart Evangelista ng liquid sa hand-carry sa loob ng eroplano

Netizens umalma sa pagdadala ni Heart Evangelista ng liquid sa hand-carry sa loob ng eroplano
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel