7 celebs na minsan nakaranas ng panlalait dahil sa kanilang mga katawan

7 celebs na minsan nakaranas ng panlalait dahil sa kanilang mga katawan

- Hindi lahat ng celebs ay ipinanganak na balingkinitan at seksi kung kaya't nakaranas sila ng body-shaming

- Iba't ibang panlalait ang narinig nila mula sa mga tao sa palibot nila pati na rin sa social media

- Ngayon, silang pitong celebs ay ubod ng kaseksihan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Maraming tao ang nag-iisip na kung artista ka ay perpekto na ang katawan mo kung kaya't konting di "maganda" sa paningin ng mga tao, pinupuna na nila agad ito.

Buti lang sana kung nagsesend sila ng private message pero karamihan sa wall pa pinopost at isinasapubliko ang mga masasakit na mga salita.

Nakakuha ang KAMI ng lista ng mga celebs na ngayo'y sobrang seksi at ganda na pero noo'y parating nilalait ng mga tao.

Jessy Mendiola

Simula nang maging FHM winner si Jessy, hindi na siya tinantanan ng panlalait, kung kaya't nabuo ang titulong "Pata Queen." Pero dahil dito nagpursige siya nang husto at ngayo'y proud sa maliit niyang beywang.

Sarah Lahbati

Kung mayroon mga unfair na comment, yun na siguro ang binigay kay Sarah nung siya'y nagdadalantao. Sabihan ba namang mataba ang isang babaeng alam namang buntis?

Kylie Padilla

Si Kylie naman ay ankatanggap ng mga komento pagkatapos niyang manganak. Eh sino ba ang seksi agad pagkatapos manganak. May mga netizens na nilait ang "katabaan" ni Kylie postpartum.

Lauren Young

Isa ring palaban si Lauren Young sa mga body shamers. Ngayon, proud siya sa kanyang mga kurba sa katawan. Sabi nga ni Lauren, takot daw siyang magpost ng OOTDs before, pero ngayon proud at masaya siya sa katawan niya at masabihang "balakang babe."

Kim Domingo

Kahit na sobrang seksi na ang celeb na ito, hindi pa rin siya nakakaligtas sa mga mapanglait na tao. Sa mga nambabash sa kanyang katawan isa lang ang sinabi ni kim, "Para sa akin kasi Diyos na lang ang bahala sa kanila."

Lovi Poe

Di siguro kayo makapaniwala kung sabihing si Lovi Poe ay nakaranas din ng shaming. Tinagurian si Lovi na "body goals" pero may mga tao pa ring nagkokomento na may flat daw na bahagi sa kanyang katawan. Pero si Lovi, tuloy pa rin ang positivity.

Bela Padilla

Ang seksing si Bela ay hindi rin nakaligtas sa body-shamers. Minsan nag-post siya ng nakabikini at nakita ang ilang folds sa puson area dahil sa posisyon niya. Ayun binatikos agad ang aktres. Pero kahit ganoon, cool pa rin si Bela.

Cool set of exercises that you can do at work to keep fit from our coach Chrystalle - on Kami YouTube channel This video helps you to keep fit even if you're at the desk all day. These are exercises that are simply very easy to follow and do.

Source: Kami.com.ph

Related news
"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!

"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!

"Kung kabet ka nga, sana hindi ka na magrecruit," Jade at Marissa, natameme!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel