Husband goals! Troy Montero may sweet message sa buntis na si Aubrey Miles

Husband goals! Troy Montero may sweet message sa buntis na si Aubrey Miles

- Talaga namang mapapa-hashtag-husband-goals ka sa kilig kay Troy Montero dahil sa kanyang sweet message sa asawang buntis na si Aubrey Miles

- Minsan daw ang mga babae ay may mga insecurities sa kanilang anyo at hindi ito umano nakakagulat dahil normal naman ito lalo na sa mga buntis

- Kaya naman maraming mga netizens ang todo ang kilig sa kanyang ginawang sweet appreciation message sa Instagram post niya sa picture ng asawang buntis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon na din sa balita na nasagap ng KAMI, buntis nga si Aubrey Miles sa kanyang ikapangatlong anak, pangalawa sa asawang si Troy Montero.

Shinare ng 'PEP,' saan una naming nakita ang nasabing revelation ni Aubrey Miles sa kanyang growing baby bump.

Proud nga ang aktres, fitness trainer, at businesswoman sa pagpapakit ng kanyang lumalaking tiyan sa isang selfie picture na nakaharap sya sa salamin hawak ang kanyang baby bump.

Sa nasabing litrato sa taas ay tila makikita si Troy Montero na nasa likuran ng asawa nito at sinagot naman ang post ng asawang buntis sa pamamagitan ng pagrepost ng picture sa taas sa kanyang IG.

Pero sa caption ka talaga matatamaan sa kilig dahil klarong-klaro na umaapaw ang pagmamahal at bilib ni Troy sa asawa nito at sweet little details na talaga naman kailangan ng mga babae ay ang pagboost ng morale at pagsecure sa kanilang self-esteem at confidence lalo na daw pagbuntis.

Saad niya sa caption niya:

"Look how sweet you look here! One thing about a pregnancy, it will definitely bring you closer together then you ever expected. From the late night craving runs to laying in bed together discussing what the baby could look like or if it's a girl or a boy. We wanted to wait on announcing our news until after the 1st trimester. We just wanted to be safe, although we still have a long way to go, at this moment we're feeling so blessed. Now heading into her 2nd trimester, we can finally see something lol. To my Sweetness, you have been nothing short of amazing, day in and day out. I love you. And lastly, I'd just like to say you look PHAT - Pretty Hot And Tempting... Still (heart and wink emojis)"

At sabi nga nila, petmalu lodi si Troy Montero dito na mapapahashtag ka na lang daw ng husband goals!

Marami ang nagsasabi na hindi pa kasal ang dalawa pero nasa isip na nila iyon sa isang interview ni Aubrey pero ang iba naman kagaya ng ulat ni Gretchen Fullido sa ABS-CBN News sa naked snaps ng dalawa ay tinawag na niyang itong mag-asawa.

Pero kahit ano pa yan, pang husband goals talaga ang kasweetan ni Troy Montero.

Noon pa naman ay napakasweet naman talaga si Troy sa pag-appreciate ng kanyang "Queen of my Heart."

Ayon naman sa GMA News Online, unang inannounce nina Aubrey at Troy Montero ang kanilang 3rd baby bump noong Sabado, June 30 sa kanilang Instagram account din.

2008 nang winelcome nila sa mundo ang kanilang unang anak na si Hunter Cody at si Aubrey naman ay may unang anak, si Johne Maurie, sa previous relationship nito.

At sa ibang bahagi, tinanong ng grupo ang mga Pinoy ng mga iilang mga tricky questions at nakaka laughtrip ang nangyari at marami din ang natuto.

Tingnan ang video sa baba sa nasabing tanungan.

Watch more HumanMeter YouTube videos here

Source: Kami.com.ph

Related news
Baby bump? Marian Rivera and Dingdong's mom spotted holding her bulging tummy

Baby bump? Marian Rivera and Dingdong's mom spotted holding her bulging tummy

Baby bump? Marian Rivera and Dingdong's mom spotted holding her bulging tummy
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel